July 7, 2015

7:00 AM

Bakit ba laging pag nasa public transportation o habang naliligo, doon pumapasok sa isip natin yung mga “meaning of life”. Siguro dahil sa mga times na yun, hindi occupied yung utak natin ng mga task at hand dahil naka autopilot yung physical body natin kaya free to roam yung utak natin at dun niya nabibisita yung mga unconscious and subconscious thoughts natin.

Lagi kong sinasabi noon sa sarili ko nung palamunin pa lang ako ay hindi ko isasabay ang lifestyle ko sa pagtaas ng sahod ko. Tipong noon masaya na sa Tender Juicy Hotdog ngayon hinahanap na ang Frankfurt? Dati nakakaalis naman kahit naka jeep, ngayon hindi na madampian ng pawis? Ganyan yan eh.

Dapat, para maka-ipon tayo yung pagu-upgrade ng salary natin, hindi nauubos sa pagu-upgrade ng lifestyle natin. Sakto lang yung minsang reward sa sarili pero hindi yung kating kati saang mamahaling bagay ilalaan yung sweldo. Pag ba Aldo yung bag mo, unlimited pwede mo ilagay na parang bulsa ni Doraemon? Pag ba Guess yung wallet mo nag mumultiply yung bills every hour? Pag ba nag Starbucks ka every morning 2 days ang effect ng caffeine? Mas masarap ba gamitin ang Samsung 360 or iPhone 10s kahit scroll sa fb lang din naman ang ginagawa mo?

Dapat nasa lugar ang pagiging sosyal at pasosyal, kasi minsan, na oovercome na tayo ng pagiging materialistic at consumerism. Lalo na sa ating mga OFW na sadyang pinanganak na dukha (haha), umalis tayo para magipon ng pera hindi para magpaligo ng pera. Iyan talaga ang nireremind ko lagi sa sarili ko dahil ayoko maging OFW forever. Kasi minsan pag nakahawak na ng pera at kaya na bumili ng gamit, bili ng bili kahit hindi kailangan.

Ako hindi ko talaga hilig bumili ng gamit. Mabilis lang ako sa gusto ko nito gusto ko niyan, pero pag nandyan na naghihinayang na ako. Mas mabilis ako gumastos pag para sa ibang tao yung binibili ko kesa sa gusto ko. Ang ginagawa ko kung sobrang gusto ko talaga yung isang bagay, hindi ko siya binibili agad kahit pa sale, pinapalipas ko kahit isa o dalawang araw. Minsan nawawala din marerealize mo na hindi mo naman talaga kailangan o magagamit yan. Nagandahan ka lang talaga. Pero misan, pag talagang hindi ako makatulog kakaisip (wow), binibili ko din, pero dapat 1. Good investment yan. 2. Sira na talaga yung papalitan niyang gamit. 3.Maganda ang quality at pang matagalan at 4. Madalas mo magagamit, hindi lang once a year.

Minsan lang ako mag indulge sa nonesense na materyal na bagay, tulad nung Christmas 2014 na bumili ako sa Forever 21 ng combat boots dahil lagi ko siya binabalil balikan, bilang prize ko na din sa sarili ko dahil pumasa ako sa DHA exam. Napansin ko din lately, may kaya ko siyang bilhin mas nawawalan ako ng gana bilhin siya. Tulad nung running shoes sa Nike ang ganda sobra, bet na bet, pinapnagarap ko siya pero di ako atat na bilhin siya.

Parang sa crush yan e, noon ayokong crush din ako ng crush ko kasi nawawalan ako ng gana pag abot kamay na. (Nahugot pa)

Ayun lang naman. Basta always remain humble lang tayo, hindi nasusukat ang pagkatao mo sa kung anong kaya mong bilhin. Maniwala ka, mas simpleng tao ang kaharap mo mas mayaman yan, pag mas magarbo ayan yung mga feeling mayaman lang. Dibali nang wala kang latest phone tuwing bagong model, kesa updated ka nga sa gadgets ipinangutang mo naman yung pangkain mo. Tandaan mo na nandito tayo sa ibang bansa at nagtatrabaho ngayon hindi para sa luho. Kahit pa sabihin mong single ka at walang kang pinapadahan. Maging financially mature tayo.
Naks.

8:40 AM

Speaking of investments naniniwala ako na lahat ng bagay ay isang investment. Invest ang money, syempre, ang time, ang feelings. Ultimately you are investing experiences.
At tulad ng lahat ng investments, ang goal natin pag gagawa tayo ng mga bagay ay yung after ba ng ilang panahon, maggrow ba tayo dito as a person and will it still matter?

Pag nag invest ka ng time sa isang tao, after some time kailangan mo itanong sa sarili mo kung nag ggrow ka ba? Kayong dalawa? Yung oras mo iinvest mo ba sa paglalaro, pagtulog, pagwo-workout o sa pag aaral ng ibang lengwahe. Nasa sayo yung sagot, walang tamang sagot. Nasa sayo kung saan mo nakikita yung sarili mo na mas mageevolve bilang best version of yourself. Dahil cliché man, wala kang ibang kalaban kundi sarili mo.
Declare war with yourself! Itanong mo sa sarili mo, “Ito na ba talaga yung best na kaya ko?” Kasi ang time patuloy na aandar yan. Lilipat ang kalendaryo gumalaw ka man o hindi. Aandar at susulong ang mga tao sa paligid mo kahit umupo ka sa sulok ng isang taon. Oras mo yan, experiences mo yan. Buhay mo yan.

Invest yourself well.

July 6, 2015


My Lunch.

I need to bring vegetables next time. I ate a piece of chocolate today, I jogged last night. It’s a win-win.
I’ve given up. I’ll just focus on the people who loves me and think of the people who’s always been there to support me.

No more negative vibes.