Bahaghari

Nagsimula din naman ako noon sa takot
Takot masaktan
Takot maloko
Takot magtiwala ulit

Lahat naman yata ng babae, dadaan sa ganung estado ng pait
Pero di lahat mkikilala agad muli yung taong bubura ng hapdi
Ang korni kung sasabihin kong kinulayan mo ang mundo ko, pero yun ang totoo
Kung may kulay na ito noon, shit naging HD dahil sayo.

Ikaw yung kengkoy na galawgaw at laging nakatawa
Ikaw yung taong laging masarap kasama
Kumbaga sa papel, ako bond paper ikaw oslo
Kumbaga sa pera, ako bente ikaw mamiso
Kumbaga sa tag-ulan, ako payong ikaw goto
Kumbaga sa partner, hanap ko ikaw mismo

May napagdaanan tayo nito lang, dumikit ulit ang paa mo sa lupa
Natapunan ng tinta ang damit na bago
Naligaw ako ng bahagya, nahilo at nalito
Hinawakan moko, nilapit mo sayo
Parang metal na binabad sa apoy saka binayo
Masakit na proseso, pero naging espada tayo

Anong bahay ang matibay kung hindi pa nadadaanan ng bagyo
Anong elepante ang tatawid sa tulay na baliko
Kung gusto mo ng Ube kailangan manakit ng braso
Walang mas sasarap pang makamit sa bagay na pinaghirapan mo

Imbes mawasak, lalo tayo nabuo
Nagkaron man ng lamat, pilit tayong tumayo
Araw-araw papalayo ng papalayo sa takot
Hanggang isang araw tuluyang maibaon sa limot

Nagsimula din naman ako sa takot
Ngayon bumalik ulit ako dito
Ikaw ang kulay sa buhay ko, yun lang ang alam ko
Talo ng tuwa ang lahat ng tampo at lungkot
Kahit saan at paano pa tayo mag paikot-ikot
Basta kasama kita wala akong takot sa takot

Advertisements

People Like People

People Like People

Some people like things that other people don’t.

Some men like boxers, some like briefs
Some people like broccoli, some prefers meat

I know people who don’t like marshmallows and people who has tarantulas as pet
There are people who like tattoos as much as your hobby but why do they get judged for it?

Some like to marry men, some women, some both
Some likes to be in a crowd while others don’t

Some worship God, some Allah, some Buddha, some none.
Why is it such a big deal what color covers simple muscle and bone?

I don’t think anything really matters in this world as we’re all just passing through.
So people, just please, stop pushing your beliefs in other people’s throat.
NOBODY needs to fit in with somebody else’s set of “normal”.
The only normal person is a person who is his own.

We wouldn’t kill every left handed people would we? Or remove the constitutional rights of vegetarians?
I think the root of this world’s problems is that everybody’s in somebody else’s business and most of the time, the things they’re poking their noses at doesn’t even remotely affect their lives.

To every person who’s reading this, I am recruiting you. Make it your personal goal to spread kindness and love in this world. By the rate things are going, the next generations of humans woud be unbearable to even live with. Teach your friends to be kind and accepting. Teach your family members to understand these new concepts they did not grow up with. And if you can’t teach them that, just teach them to stay out of the way of those who do. Teach your kids to be loving, to stand up not only for themselves but also for others who can’t and teach them to never be the bullies themselves. Begin to touch the lives of other people and spread positivity in every direction. Maybe one of these days, something will change and this very earth we are living in can actaully be fit for living.

Lata

Inanod sa dalampasigan ang tala
Tila yata nalunod sa dagat
Hindi dagat na maalat
Matamis kung may lasa

Pinulot ng bata
hindi alintana na may ilaw ang tala
isinilid sa lata
sa ilalim ng kama

Ang liwanag ay nakulob
Ang tala ay nalungkot
Ang mga butas ng lata
Kumikislap at tumutunog

Nahulog ang araw
Dilim ay umalingawngaw
Ang bata natakot
Naghanap ng ilaw

Sa ilalim ng kama may kumikinang na lata
Kanyang inabot at pinatong sa mesa
Unti-unting binuksan ang sira-sirang lata
Nang saktong napundi, patay na ang tala