Diet-Dietan Drama

December 4, 2015
Friday
1:38 pm

veggies

Health Living Kuno

Bumili ako ng groceries ngayon, para sa Whole30 program na gusto ko itry this month. Ano nanaman kasing pakulo to diba?

Nagsimula kasi yan nung inintroduce saakin nitong ka service ko sa work yung Ensure powder (ginagamit ng mga pasyente sa ospital) na sinearch ko naman. Complete nutrition kasi siya at pwedeng ireplace ang isang meal mo, at sa busy schedule namin at dahil nga nagluluto na ako everyday magang ideya talaga siya. So si ako naman, inaral ko muna kung talagang maganda siya na gamitin everyday. Okay naman siya, nandun nga lahat, hanggang sa kaka hanap, napunta naman ako sa protein shakes hanggang dito sa isang website na ito na nagtururo tungkol sa pagkain ng organic, real foods. Tinuro niya dito at inisa-isa ang mga sikat na brands ng pagkain na ginagawang substitute ng mga tao sa pagkain nila. Tinuro din niya kung paano magbasa ng ingredients list sa ng isang product at iba’t ibang alias ng High Fructose Sugar na mortal enemy #1 ng katawan natin. Ang dami kong natutunan sa article niyang yun at nadala ako sa panghihikayat niyang kunain ng tamang pagkain. Doon ko din nakilala ang Whole30 foods. Yung Whole30 ay challenge na gagawin mo for 30 days kung saan may mga pagkain kang idedelete sa diet mo para madetoxify ka at mareset yung tastebuds mo at food cravings.
Actually, sinimulan ko na siya last month, okay naman at nakita ko talaga yung pagkakaiba sa katawan. Alert ka and energetic at hindi madaling magutom. Kaso lang, ika nga nila, if you fail to plan, you plan to fail. Naubusan ako ng food supply. Hahah!
So weeks before naghanap na ako ng Whole30 friendly recipes and naglista ng grocery list para mabili ko every week. Ang plano ko Chicken, Beef, Seafood and Pork for Weeks 1 to 4 respectively, at sobrang hirap pala maghanap ng 100% at organic foods. Halos lahat ngayon mas madami pang chemicals kesa sa food content mismo. Hindi lang isa, dalawa o tatlong isle ang dinedma ko dahil punong puno ng sugars and salts ang mga pagkain. Makes you wonder, kung ganito nga naman ang diet na mayroon tayo araw-araw, nakakapag taka pa ba talaga na tila sipon na lang ngayon ang Cancer?
Ang bigat ng pinamili ko infairness, ang tagal kasi dumating dito ni The Boyfriend. At habang ineexplain ko sa sarili ko kung bakit mas makakabuti na mag bus ako kesa magtaxi pauwi, bitbit ko ang dalawang malaking bag ng grocery na halos sumayad na sa sahig. Haha parang tanga bite-sized kasi :)

Chini-cheer ko nalang ang sarili ko habang unti-unting kumikirot ang braso ko, “go Che, kaya mo yan. You’re a strong independent beautiful sexy amazing fantastic woman!” Char. Hanggang nakalabas din at nakauwi ng pagod. Thanks to baba, my patient, at natulog siya ng 3 hours straight kagabi. Haha. :)
6:20pm
Actually may pansit sa bahay, pinili ko lang talaga kumain sa fastfood. Bachelorette party ika nga, para i-launch officially ang new eating habit ko for a month.

12316619_10205327727621738_1576937410007734805_n

Kunain ako sa Taza bago pumasok. Di naman ako actually bothered kumain mag-isa, sarap nga e. Sabi ko lang sa sarili ko “go Che, kaya mo yan. You’re a strong independent beautiful woman!”

Hahah!
Day 1 bukas.

Wish me luck!

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s