Photo Courtesy of Gulf News

Lipat Bahay

November 27, 2015
Friday
7:07 am

Naghihintay ako ng bus ngayon papasok. AM duty ako today at ang lintek na bus mukang late, pero imposible kasi Friday ngayon at ang Friday dito sa UAE ay parang Saturday sa Pilipinas kaya weekend ngayon at walang pasok dito, maluwag ang kalsada. Hindi ko kasi chineck ang schedule sa Wojhati (Dubai transpo app) bago umalis ng bahay. Ganyan naman tayo diba? Porket nasanay sa isang bagay, iaassume na ganun na lang palagi. #HugotLines brought to you by Chicken Empanada and Nescafe Coffee in can! (na kakatapos ko lang almusalin dito sa bus stop). Ang gastos ko na lately, almusal sa labas, dinner sa labas. Paano, simula ng bumalik ako sa dati kong pasyente e hindi na libre ang food kaya kailangan ko nang magluto paguwi, kaya lagi ako napupuyat, tapos late na ako nakakauwi, so ano? Hindi na ako matutulog? Hindi ko pa din naaayos ang budget ko at ang dami ko pang paplanuhing kabagayan. /rant 

In short, hindi na ako maka cope sa buhay ko! Kaya bilang Libra, sobrang out of balance ako ngayon kaya’t hindi ako mapalagay.

Time check: 7:20 am

Nag taxi na lang ako kasi mamaya pa yung bus dadaan. Tuwing binibigyan talaga ako ni baba ng hadiya (gift) na folus (pera), napapataxi ako. Grrr

Medyo stressed ako lately (kelan ba hindi?) kasi naghahanap ako ng bagong bahay. Diba nakatira ako sa isang flat kasama ang tita ko? Doon malinis, maluwag, tahimik. Ngayon kailangan ko maghanap ng bagong lilipatan na maaring masikip, madumi, mahal at magulo. Sobrang nakakastress, hindi lang yung maghanap at isingit ang viewing ng room after duty ko, kundi nakakastress totally na makita yung bago mong lilipatan na wala sa kalingkingan ng iiwan mo, parang ex mo na nanghinayang nung narealize niyang wala sa kalingkingan mo yung ipinangloko niya sayo. #HugotLines brought to you by Chicken Empanada and Nescafe Coffee in can!

Nag view kami kagabi, ang sikip sa kwarto bali sa isang room walang tao, sa kabilang room apat na partition (walong tao) so maximum of 16 people, sa isang maliit na kusina at sala na maghahati hati isang washing machine at dalawang CR. 

At, maliban pa doon, mahal.
Nakakalungkot. Hanap pa Che.

Hay. God will provide! :)

2510034215

Photo Courtesy of Gulf News


“Rest and be still, I got your back girl!” — God

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s