Second Patient

Hindi ko alam kung naikwento ko sainyo yung naging pangalawang permanent patient ko. Yung una kasi yung tungkol sa pinakawalang ibon.

Yung pangalawa, hindi ko maii-describe nang maayos na hindi magmumukang rant kaya ang gagawin ko nalang, ililista ko yung mga benefits ng pagtatrabaho doon.

  1. Malapit sa amin
  2. May libreng lunch
  3. May mga free time

-end  of list-

Dumating sa time na hindi na ako makaupo o makatayo ng matagal dahil nangangawit na yung likod ko. Yung iniinda ko yung sakit ng katawan sa paghiga ko sa gabi. Teka ano ba tong trabaho ko? Kargador ba ako? Alam ko naman yung proper body mechanics, pero ayaw nung isang anak. Kahit wala siyang basis at merong rationale ang ginagawa ko, gusto niya siya ang masusunod.

Diba? Nagging rant talaga e. Since allergic ako sa negative vibes, iwan na natin yun sa nakalipas.
Anyway, pag tapos ng 3 months na pagtitiis, sa wakas nailipat na ako ng pasyente. Hallelujah!! 
Kailangan ko na din mag move on, sapat na yung tatlong buwan,  tapos na ang role ko sa kanila at ang role nila sa akin.

Ngayon dito na ako kay baba, pangatlong pasyente ko and so far, okay naman. Mejo malayo sa amin, pero ginawan na ng paraan yun ni Lord, at walang lunch na libre kaya kailangan kong matuto ng time management, ayos naman. Walang lifting at wala ako masabi dahil makikita mo talagang mabuting tao sila. Pag na memorize ko ‘tong routine niya, keri to.

Thank you Lord, alam ko naman aayusin mo ang lahat e. Hinintay mo lang talaga na makabalik galing London itong bago kong pasyente bago mo ako ipalipat.
Thank You for that. :)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s