LDR is Blind

Ang Long Distance Relationship pala ay maihahalintulad sa pagiging bulag. Wala kang makita. Kailangan mo lang magtiwala sa mga tao sa paligid mo, sa kung ano ang ibibigay nila sayo at saan ka nila dadalhin. Madalas mangangapa ka kapag hindi mo kabisado ang bagong teritoryo, pero pag gamay mo na, alam mo na ang bawat liko. Kailangan mo din na masanay sa routine dahil ito lang ang tangi mong macocontrol. Pag alam mo kung ano ang ie-expect, saan, paano, gaano at kailan, hindi ka mabibigla sa darating. Siyempre dahil bulag ka,  hindi maiiwasan na mabunggo ka sa pader o matalisod sa pinto. Magugulat ka sa biglang pag bigay sayo ng tubig at minsan kahit gaano kalakas ang pakiramdam mo, mapapasigaw ka ng pangalan dahil pakiramdam mo, nagiisa ka. Kaya sa isang LDR, importante na may tiwala ka at mapagkalatiwalaan mo ang pipiliin mong taong gagabay sayo.

Hindi ka lagi makakasigurado sa mga tao sa paligid mo, kaya kung dumating man yung panahon na dalhin ka nila sa kapahamakan, at least alam mo na na hindi sila mapagkalatiwalaan dahil binigo ka nila sa dun sa mga oras na wala kang nakikita.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s