May 26, 2015

12:14 PM

Motherfather.

Ang hirap maging mature minsan. Tipong, minsan kailangan mong iconsciously train yung utak mo na wag mag form ng kung anu-anong kwento hanggat hindi mo pa naririnig yung kwento niya. Ganyan kasi ang mga babae e. May moment na may makikita kang di ka aya-aya, tapos biglang *ting* manlalamig ang kamay mo, biglang 3rd gear na ang utak mo, bigng tatakbo lahat ng natutulog na piyesa at parang recorder lahat ng detalye napapansin mo na. Tapos, diyan na magsisimula magformulate ang utak natin ng mga “baka..”, “siguro..”, “Kaya pala..” at diyan tayo nasstress, sa mga problemang binuo lang naman talaga ng imahinasyon. Diyan huhugot ng inis, makakabuo ng napakahabang message, makakakuha ng pangmalakasang chakara na handa ipansabak sa giyera. Ganyan ang mga babae at ang hirap mag control. Dahil sa isang mature relationship, walang pwesto para sa galit na wala namang rason. Dapat well researched, may proof, may published thesis. Hindi healthy yung biglang jump into conclusions tapos papaganahin yung bunganga at magfformulate ng rules at magbibitaw ng memorandum of ageement, promises at decisions.

Dapat, habang maaga pa, tini-train mo na ang sarili mo maging kalmado sa oras ng pagdududa. Wag gumawa agad-agad ng bagay na ikakapahiya mo o niya. Wag gumawa agad ng bagay na pag sisisihan mo. Wag agad magpost ng kung anu-ano. Wag gumawa ng kwento sa utak. Tandaan mo ang quote na ito “Kill them with your kindness” kasi ang unang mapikon, talo. Kundi mo naman talaga ugali magselos o maghigpit ng walang rason, wag mo simulan ngayon. Wag mo patunayan na kailangan nga na magtago sayo at magsinungaling.  Matuto ka makipagusap na bukas ang tenga, ang puso at ang utak. Hindi yung pakikinggan mo lang ang gusto mong marinig pero, hindi rin naman yung paniniwalaan mo agad lahat ng sasabihin sayo.

Tayong mga babae, meron tayong inborn na talent, ang tinatawag na women’s intuiution, pero tulad ng lahat ng superpowers, kailangan matuto tayong i-control ito, kung hindi, sarili mismo natin ang malalagay sa panganib.

 Womens’ eyes are trained to see details. When they look at a photo, the clothes matches the date, the shadows around you tells the time, the reflections on the mirror behind you tells the location and their gut feeling is a lie detector machine. So yes, be afraid of their species. 😊👍 #RandomThought  

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s