Dubai, CIty, Sky, Night, Plane

Lilipad Ako Pa-Dubai

10671325_10202781503607729_2779301418471265329_n

Dubai City

Ano ang dapat gawin pag may planong pumunta sa UAE?

  • Bago mo balakin magpunta ng Dubai para makipag sapalaran, alamin mo muna kung Ramadan. Pag Ramadan kasi, holiday at usually freeze hiring, closed ang establishments at bawal kumain sa public places.
  • Iprocess mo lahat ng papeles na meron ka, mahal magpadeliver ng papeles. Kmuha ng Certified True Copy, ipa red-ribbon at patatakan sa Embassy ang credentials — usually Diploma and TOR, pero depende sa company na papasukan, kasi minsan hindi naman hinihingi, pero mas mabuti nang ready.

Ano ang dapat i-expect pag lapag ng paa mo sa Dubai?

  • Mainit dito. Maliban kung mga November to February ka nagpunta. After nun, be ready sa araw. Kahit nasa lilim ka pa, mainit ang kalsada at malagkit ang hangin.
  • Bawal ang revealing clothes. Makakatakas ka naman siguro kung nasa mall ka at may kotse, pero kung mag ko-commute ka lang at dangkal shorts-spaghetti strap combo pa ang suot mo, good luck na lang. Be modest kahit hindi always,basta most of the time man lang. 
  • Maraming police officials ang naka civilian clothes dito. Ingat sa pag jjaywalking, beating the red light o pagkakalat. Iwan mo ang tigas ng ulo sa bansa mo. Laging basahin yung mga nakapaskil na Rules and regulations kasi meron yan usually sa public places.

Ilang tips sa paghahanap ng trabaho:

  • Bumili ng simcard. Unlike sa Pilipinas na kahit saan puwede makabili ng sim, sa Dubai, kailangan mo ng ID.
  • Ready ka ng madaming copy ng Resume mo siyempre. Mga 10-20 man lang maipasa mo kada walk-in. Suyurin mo ang Monster at Dubizzle.com.
  • Ready ka sa mga tatawag at make sure na nkuha mo ang company name at location ng tumatawag, lalo kung ibang lahi ang nagsasalita kasi minsan mahirap sila intindihin. Tapos isearch mo agad sa internet ang website at igoogle na kung paano magpunta.
  • Maganda ang transportation system ng Dubai bumili ka lang ng Nol Card na ginagamit nila sa Bus and Trains. Mabibili yun sa mga Train Station or Vending Machines na makkita sa piling bus stops.

Ano ang exit?

  • Kapag magpapalit ka ng visa to and from Residence Visa and Tourist Visa, kailangan mo mag exit. Meaning eexit ka ng UAE. Ang pinaka malapit na bansa ay Oman at Iran at doon usually nagpupunta ang lahat. Sa Oman, mag bbus ka lang para tumawid ng border. Sa Iran, usually Kish at Quishm, 30 minutes plane ride. Tatatakan dun ang Passport mo at ie-email sayo ang Visa para makabalik ka ulit ng UAE. Pwede ka naman mag exit sa Pilipinas kung gusto mo, o sa Europe pa, no problem kung may cash ka. Mahalaga lumabas ka ng UAE.

Ano ang ieexpect mo pagka-exit mo?

Masyadong mahaba kung isasalaysay ko dito. Read this blog post.

Ano ba ang mga package na usually meron ang hiring companies?

Sa Dubai, usually pino-provide ng company ang:

  • Accomodation
  • Transportation
  • Ticket every 2years
  • Leave every year
  • Medical Insurance

Yung iba may mga bonus pa like mobiles etc.
Pick your company wisely kasi masstuck ka diyan for 2 years.

or ma baban ka.
Ano ang bans?

To make it short, ang Labor ban ay maaring 6 months, 1 year or lifetime ban, depende sa kinasasakupan ng case mo. Inaapply ito sa mga empleyado na pumutol ng contract. Mayron din itong mga exceptions. Research the internet, maraming makakapag-explain niyan sayo in detail.

Ano ang kailangan pag magbabakasyon ka sa Pilipinas?

Kailangan mo kumuha ng OEC o Overseas Employment Certificate na makukuha naman sa Philippine Embassy sa Dubai o sa POEA sa Pilipinas. Kailangan mo dito magbayad ng OWWA at Pag-ibig fund. Ito ay requirement sa Airport pag pabalik ka nang muli sa Dubai. Laging madaming tao dito kung kaya kailangan mo pumunta sa website nila upang kumuha ng appointment. May mga araw na hindi sila tumatanggap ng walk-ins.

Yan ang overview sa pag punta sa Dubai. I’ll add more kapag may naalala pa ako.
Comment below kung mayroon kang specific na gustong malaman or may dagdag katanungan.

Goodluck Kabayan!

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s