Bahaghari

Nagsimula din naman ako noon sa takot
Takot masaktan
Takot maloko
Takot magtiwala ulit

Lahat naman yata ng babae, dadaan sa ganung estado ng pait
Pero di lahat mkikilala agad muli yung taong bubura ng hapdi
Ang korni kung sasabihin kong kinulayan mo ang mundo ko, pero yun ang totoo
Kung may kulay na ito noon, shit naging HD dahil sayo.

Ikaw yung kengkoy na galawgaw at laging nakatawa
Ikaw yung taong laging masarap kasama
Kumbaga sa papel, ako bond paper ikaw oslo
Kumbaga sa pera, ako bente ikaw mamiso
Kumbaga sa tag-ulan, ako payong ikaw goto
Kumbaga sa partner, hanap ko ikaw mismo

May napagdaanan tayo nito lang, dumikit ulit ang paa mo sa lupa
Natapunan ng tinta ang damit na bago
Naligaw ako ng bahagya, nahilo at nalito
Hinawakan moko, nilapit mo sayo
Parang metal na binabad sa apoy saka binayo
Masakit na proseso, pero naging espada tayo

Anong bahay ang matibay kung hindi pa nadadaanan ng bagyo
Anong elepante ang tatawid sa tulay na baliko
Kung gusto mo ng Ube kailangan manakit ng braso
Walang mas sasarap pang makamit sa bagay na pinaghirapan mo

Imbes mawasak, lalo tayo nabuo
Nagkaron man ng lamat, pilit tayong tumayo
Araw-araw papalayo ng papalayo sa takot
Hanggang isang araw tuluyang maibaon sa limot

Nagsimula din naman ako sa takot
Ngayon bumalik ulit ako dito
Ikaw ang kulay sa buhay ko, yun lang ang alam ko
Talo ng tuwa ang lahat ng tampo at lungkot
Kahit saan at paano pa tayo mag paikot-ikot
Basta kasama kita wala akong takot sa takot

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s