05.17.15

Ang daming pumapasok sa isip ko,

hindi ko naman na maalala kapag kaharap ko na ang computer.
Meron pa kayang nagbabasa ng blog ko? Yung tipong patagong nagmamasid kung kamusta na ba ako, yung tunay na ako na nakatira sa loob ng utak ko. Noon kasi mabibigla nalang ako, meron magsasabi sakin ng isang bagay na sa blog ko lang sinulat. Nakakatuwa din malaman na may gustong kumilala sayo, di lang sa mga bagay na gusto mo or paborito mo o size ng paa mo, kundi yung kaibuturan mo.
Yung post ko, parang gabi, lumalalim nanaman!
Ang ganda nitong tula na shnare sa akin ng kaibigan ko. Sobra kong nadala, ang galing. Gustong gusto kong manood ng Spoken Poetry sa youtube kasi noon pa man mahilig nako magbasa at gumawa ng tula, pero iba pa din yung naririnig mo talaga nang may kasamang emosyon. Pero ngayon lang ako nakarinig ng tagalog version. Ang sarap pakinggan at nakaka engganyong gumwa ulit ng tula.

Nakakagawa lang kasi ako kapag sobrang lungkot o sobrang saya ko.

Mabuting balita naman na wala akong tula ngayon dahil ibig sabihin, hindi ako broken hearted diba?
Ang dami kong gustong pag-aralan, gawin at balikan, pero wala naman na akong oras. Meron naman, kailangan ko lang iconvert sa papel dahil walang internet sa trabaho. Nakakatakot yung mawalan ng oras, nakakatakot yung hindi mo na magawa yung gusto mong gawin. Ni hindi na ako makapag basa ng libro.

What is life?

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s