breakup-quotes-hd-wallpaper-18

Uso ang Break-Ups

breakup-quotes-hd-wallpaper-18

Hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag kung gaano kahirap pag daanan ang isang break-up dahil lahat tayo nawalan na ng isang bagay na mahalaga sa atin. Maliban sa mga natural na dahilan kung bakit ito mahirap ay mayroon ding ibang factors, lalo na ngayon na parte na ng buhay ng mga tao ang Social  Networking. Lahat, updated sa lahat. At ang pinaka mahirap yatang i-update, ay ang Relationship Status na “In a Relationship” to “Single” lalo na kung naging close niyo na ang family members ng isa’t isa at alam niyong pagputok ng araw kinabukasan, dadaloy na ang mga tanong.

Lahat, updated sa lahat.

Aminin man natin o hindi, sasagi at sasagi sa utak natin ang magiging reaksyon ng iba kapag nalaman nila na ang kasama mo sa shameless couple pic montage everyday na akala mo PBBTeens ay wala na ngayon. May malulungkot, may magtataka at may matutuwa. Hindi naman masamang maisip ang sasabihin ng iba, nagiging masama lang kung nagpapadala tayo dito. Bakit nga ba nakakastress na ihayag formally ang changed status niyo. Kasi, ang isang break-up ay isa ding uri ng failure — Relationship Failure. Sino bang matinong tao ang proud na iuupdate ang mga failures niya sa buhay diba?

Pero sa lahat ng mga naiisip natin na baka ganito, baka ganyan, mayroon din tayong kailangan marealize — Hindi nakakahiya na mawalan ng nobyo o nobya, kasi kung alam niyo kung gaano kasakit putulin ang isang relasyon na iningat-ingatan at ipinaglaban, alam niyo din kung gaano kalaking lakas ng loob ang kailangan para pilinin ang ganung sitwasyon. Kailngan mo ng tapang para kuning muli ang nawala sayo — Ang pagmamahal mo sa sarili mo, ang dignidad mo at ang respeto mo sa sarili. Hindi yun nakakahiya dahil ang hirap magdesisyon na tumigil. Ilang araw at gabi mong pinag isipan kung anong dapat gawin, anong tamang sundin, kung oras na ba, kung pagsisisihan mo ba, kung kaya pa ba. Sobrang laki ang kailangan mong tapang para makabuo ng isang desisyon na alam mong makakasakit sayo o makakasakit sa taong nagmamahal pa sayo.

Hindi nakakahiya ang break-up kasi kahit isa itong failure, isa din itong patunay na isa kang malakas na tao na may matibay na paninindigan sa sarili. Na kaya mo saluhin lahat ng sakit na dadagsa dahil alam mo kung ano ang halaga mo. At oo, masakit. Sobrang masakit. Sobra sobrang sakit at walang paglagyang sakit na tipong sasabog ka sa milyon milyong piraso at makakabuo ng isang Solar System sa sakit.

Pero kakayanin mo yan. Ang mga kapamilya na naging close mo na, matatanggap nila yan. Ang mga kaibigan mo makakamove-on din yan. Kahit kasing sikat pa ng Brangelina ang loveteam niyo, makakamove-on din ang earth sa break-up niyo. Wala kang dapat ipag-alala mo isaalang-alang kundi yung sarili mong kaligayahan sa desisyon mo at ang pagiging proud dahil nakabuo ka ng desisyon. Dumagsa man ang tanong, dumagsa man ang husga at panghihinayang, ikaw at ikaw lang ang tunay na may alam ng pangyayari at ng nararamdaman mo. At wag kang mag-alala dahil lilipas ang mga oras at mauubos ang mga araw at unti-unti maghihilom ang mga sugat at babangon ka uli para muling sumubok.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s