Stuck on Replay

Hindi na ako nakakapag update dito kasi sobrang busy ko na. CHARAUGHT.

 

Pero totoo. Morning duty ako these days, 12 hours.

Tapos sa loob pa ng 12 hours wala akong kausap. Kausap ko mga ibon. Though natututo na ako mag Arabic, mga 5%, iba pa din syempre kung ikkumpara mo sa 8 hours lang ang pasok tapos may workmates na makakausap at makakatawanan. Ako pag gising ko sa umaga lugmok agad dahil panis nanaman laway ko (kakagising ko lang kasi) sa trabaho tapos ang sakit nanaman ng likod ko kakabuhat. Tapos maglalaba pa minsan or plancha pag-uwi tapos magaantay nanaman ng off na napakalayo pa tapos mauubos sa isang iglap, tapos repeat over and over again.

Syempre ayoko naman ulit maging unemployed, ang super thankful ako sa binigay na work ni God, minsan lang talaga nakakapagod. Socially Selective Introvert ako pero nakakamiss din naman magkasocial life diba? Nasa isang contained environment kasi ako these days kaya wala din akong makasalamuhang iba. May mga tao naman pero bihira din kami magkita kita dahil sa schedule and unlike sa bedspace na may mga roommates ka, ako soloflight lang, kasama ko tita ko sa kwarto na bihira ko lang din makita. Which is fine dahil ayoko mkipagusap sa mga tao most of the time pero ayun nga, minsan nakakaumay din mag work at kailangan ng outlet.

Every night kausap ko naman si The Boyfriend and kachat minsan ang mga friends ko sa Pilipinas kaya nakaka wala din ng stress. Pero mga 2-3 hours a day lang yun, kaya tipid din. Nakakamatay din talaga ang routine lalo pag mag-isa ka lang.

Yan ang buhay sa Home Nursing. Madami pa ako ikkwento sa inyo tungkol sa experiences dito sa Dubai, pag may time ako ulit.

 

Wish ko lang makaya ko ang mga susunod na pagsubok. 

 

Coming Soon.

 

Paalam!

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s