10443492_10203578250405901_1442844268680461392_n

Sobrang tagal na nung huli kong update dahil as usual, hectic ang schedule. Work, bahay, work lang ang drama ko. Pag night duty naman ay hindi ko alam saan nauubos ang oras ko dahil nabibigla na lang ako, papasok nanaman pala ako ulit. Konti lang naman ang updates sa buhay ko, pero big ang impacts. Ika nga, My small but terribles.

Umuwi ako sa Pilipinas kamakailan. Namatay kasi yung lolo ko nung February 1. Tuwi nalang galing ako sa night duty may bumubungad saking ganung balita e. Nung December din kasi from night ako nang binalita sa amin na naospital yung lolo kasi nadatnan nalang nila sa kwarto na nakatulala at hindi na nagrerespond. Na-stroke yung lolo ko. Naiuwi naman siya sa bahay at naging stable kahit paano, pero hindi na siya makalunok, makapagsalita o makagalaw. Lumipas ang mga araw, hanggang sa nagkaroon na ng mga kumplikasyon hanggang sa dumating ang Feb 1.

Mixed emotions. Siyempre devastated. Nung una hindi ko maabsorb. First time ko mamatayan ng family member at sa unang mga sandali parang hindi ko madefine yung ibig-sabihin ng sentence na “Wala na si tatay” na minessage sa akin ng kapatid ko. Parang… Ha? Eh huling kita ko sa kanya, hinatid pa niya kami sa Taxi nung pumunta kaming airport e. Sabi niya pa sakin habang maluhaluha e “Oh, mag-iingat ka doon sa Dubai ha”, tapos pag-uwi ko hindi ko na siya makikita ulit? Pero at the same time, siyempre, relieved din dahil hindi na siya mag hihirap. Kais kilala ko yung lolo ko e, happy go lucky yun, and principle niya sa buhay ay magpapakasaya siya ng magpapakasaya kasi dadating yung oras na mamatay din naman daw siya, kaya sa tingin ko, hindi niya din gusto yung ganun na nakahiga lang, hindi makakilos at hindi makakain ng mga gusto niya. Sa tingin ko, naenjoy ng lolo ko yung buhay niya, alam kong masaya na din siya ngayon sa taas, walang sakit at walang mga dinadala.

Mamimiss kita tay, hindi ko na maikwento lahat ng kwento tungkol sayo, pero pinaka nakatatak sa utak ko ay yung image na nasa barko kayo ni mama galing Bacolod, bitbit mo ang isang sanggol na sabi ng mga tumitingin ay ‘jutay’, habang pinapaarawan. Hindi ko na-witness yun, pero doon palang sobrang minahal na kita. :)

Romualdo D. Franco

1938 – 2015

Si tatay Romy, lolo yan ng lahat ng bata, kung sinu-sino binibigyan ng barya. Laging nag wawalis sa tapat tuwing umaga, sabay pupunta kung saan para kumain ng lomi tapos minsan bibili pa yan ng lumpiang sariwa tapos bibigyan ako. :) Hindi yan magpapahuli sa outing o gala sa mall, suot agad niyan rubber shoes niya at magpapaligo ng pabango sa katawan. Walang bawal bawal jan, mataba, maalat, matamis o alak pa yan, basta maenjoy niya ang buhay bago pumanaw, yan ang paniniwala niya. Mainitin man ang ulo at malakas ang boses pag nagagalit, mga apo lang niya ang nagpapalambot ulit ng puso niya. Hindi siya perpektong tao, madrama sa buhay at nuknukan ng pasaway pero mahal namin yan at lagi kaming laftrip jan dahil sa mga bloopers niya tulad ng pagkain ng kung anu-ano sa ref na hindi dapat kainin, yung mechado with pineapple yun pala fruitcocktail at yung nawawalang green na sando :) Thirty five years man abutin sa paglalakad, masipag pa din magasikaso ng kung anu-anong papeles at mamili sa palengke. Mamimiss ka namin tay. Thank you sa pamana mong boses sa mga Franco, pero wala na talaga bebenta sa mga Videoke-han tulad mo. Rest in peace Tay, alam kong nandyan ka lang, minsan nakabantay sa mga manok mo, minsan nakabantay sa aming lahat. Labyu Tay. Relax kana jan sa taas :)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s