Hitik Sa Bunga Na 2014

Nung 2014, tapos na ang pagiging Staff Nurse ko sa Jose Reyes. Sa mga oras na yun, meron man akong kaunting salapi, meron na akong madaming oras para makagala. Naghahanap na din ako nun ng bagong trabaho at nagtangka na pumasok ng OsMak bago pumutok ang balita na lilipad na pala ako sa Dubai.

Nung 2014, madami akong naging experience na kung titignan ko ngayon ay hindi ko ipagpapalit sa kahit ano. Dito nabuo at tumibay yung pagkakaibigan naming tatlo at ang relationship namin ng The Boyfriend. At yung mga oras na yun yung pinaka masasayang araw sa buhay ko ngayon. Iba kasi yung memories at time mismo ang ininvest mo e. Tipong movie marathons, sound trip tambay, over nights, inuman hanggang magliwanag, walang katapusang kwentuhan at tawanan at mga sweet private moments na ang sarap maulit muli. Iba pag bonding moments ang binuo mo kasi, ilang taon man ang lumipas, mababalik balikan mo ‘to. Kahit di na siya maulit talaga, sa isip at sa puso mo, alam mo yung pakiramdam nung mga panahong iyon at pag binalikan mo, magisa man o ksma yung mga kasama mo noon, parang naranasan mo na siya ulit.

Nung taon na yun, sa kabila ng lahat ng saya at kalayaan, dumating sa puntong nagdala din siya ng luha. Kalagitnaan ng taon, napag planuhan na aalis na ako ng bansa para dito na magtrabaho sa Dubai. Ang dami man nang araw na ginamit ko para magipon pa ng oras kasama yung mga mahal ko ay hindi pa rin ako nito naihanda. Kahit ako yung tipo ng tao na madaling maka adapt sa new environment, ramdam ko pa din yung lungkot at pangungulila lalo na nung lumipas na yung Denial Stage. Syempre first time ko aalis ng bansa e. Pero syempre, sobrang swerte ko pa din kasi hindi lahat ng umaalis e may kasamang kapamiya. Ako, kasama ko pa mama ko. Mula pag alis dito, sa pag lilibot para maghanap ng trabaho at ngayon na may trabaho na ako, kasama ko siya. Ngayon pa lang kami bumabawi ng mga nawalang oras at dahil din dun, doble doble ang pasasalamat ko.

Nung 2014 ang dami kong mga bagay na kailangan kumpletuhin, gawin, lagpasan o ipasa. At lahat yun sa awa ng Diyos, nagawa ko. At ilang araw na lang bago pa matapos ang Visa ko, nakahabol pa ako ng isang interview at nagkaroon pa ako ng trabaho. Sa dami ng blessings na natanggap ko nung 2014, hindi ko na alam paano pa ako magpapasalamat sa Diyos. Minsan nahihiya na ako humiling sa kanya kasi dali-dali niyang binibigay. Lahat ng napag daanan ko, hindi ko man makita noon kung bakit, ngayon ko naman na realize yung buong plano niya. Kahit maliliit na detalye, nakita ko kung saan ko nagamit o kung bakit kailangan mangyari. Dito ko din talaga naatunayan na magtiwala lang tayo sa nasa taas, hindi niya tayo papabayaan. Madali kasing mag doubt pag hindi umaayon sa mga plano natin ang mga bagay e, pero ang hindi natin na iisip ay hindi lang naman tayo ang nagpaplano e. Kung magtitiwala tayo sa Kanya, makikita mo na yung pinaplano niyang kwento para sa buhay mo ay wala pa sa kalingkingan ng naisip mong plano sa buhay mo.

Sobra ang blessed at sobra akong thankful kay Lord para sa 2014 ko.
At ngayong 2015, excited ako sa kung ano ang naghihintay para sa akin. Madaming panahon din akong na depress dahil hindi na umaandar ang buhay ko noon, pero ngayon na nagsisimula na ako, hindi ako makapag hintay kung anu-ano pa sa mga pangarap ko ang matutupad.

Ang dasal ko lang para sa 2015 ay sana, hindi ako magbago at ang mga tao sa paligid ko dahil lang sa kumikita na ako ng pera. Sana maging kuntento pa din ako sa payak na pamunuhay, kahit magkaron man ako ng bagong gamit o makakain ng bagong mga pagkain, sana makuntento pa din ako sa kung ano ang meron ako at hindi mawala sa paningin ko kung saan ba talaga nahuhugot ang tunay na saya. Dasal ko na syempre, gabayan pa din ako ni Lord para gumawa ng tama at pumili ng tama. At sana wag ko makalimutan na kausapin Siya at magpasalamat lagi sa Kanya.

At ganun din ang dasal ko sa 2015 ninyo.
Happy New Year :)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s