Now Entering Next Level

Last update ko tungkol sa aking bagong buhay dito sa Dubai ay ang aking Kish Experience. Actually madami nang mga kapanapanabik na eksena ang nangyari lately. Since bumalik dalawang buwan na ang lumipas at medyo nag move forward ang career nag lola nyo.

As you all know, nag-apply ako for DHA exam and every Friday nag rereview kami para dito. Aside from that, pag meron free time, nag sasagot din ako sa www.rnpedia.com. Siyempre dinedicate ko talaga ang oras ko sa pagrereview dahil kahit sabi nila ‘madali” lang daw ang DHA exam, naniniwala pa din ako na “Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa”. Hindi naman puwedeng puro dasal nalang diba? Dapat galaw-galaw din.
Actually, kung titignan mo talaga, madali lang itake ang DHA kasi dalawang oras lang at 70 items lang, kumpara mo naman sa NLE ng Pilipinas na inupuan mo ng dalawang araw. Pero andun pa din yung takot kasi PASSED or FAILED lang ang makukuha mong message. Walang score, walang reason. Lalo na ngayon na ang daming nagsasabi na tinaasan na nila yung passing rate from 60% – 80% at may quota na daw kaya kahit pasado ang score mo dahilan na din na maari nang iconvert ang DHA license to HAAD — licensure exam ng Abu Dhabi. Sa sobrang stress at kaba, ini-schedule ko yung exam ko ng Novermber 26, 2014 para matapos na ang pagdurusa. Ganun din naman yun e. Bat patatagalin pa diba? Sabi ko na lang kay Lord, bahala na siya. Nakita niya naman kung paano ako nag focus noon sa school at nagreview ng maigi nung kukuha pa lang ako ng board exam sa Pilipinas e. Alam ko naman na nasa loob lang yan ng utak ko, medyo naalikabukan na nga lang, pero konting alog lang, maglalabasan din ulit yan.

9:00 AM ang schedule ng exam ko at nagpunta ako sa Knowledge Village kung saan naroroon ang office ng Prometrics. Chill lang, naka t-shirt, pants at jacket. Good sleep and breakfast. By that time, inoffer ko na kay Lord ang exam ko kaya naka let go na ako sa kung ano man ang mangyayari. Nakarating ako ng 8:00 sa venue. Pag pasok ko sa loob ay kinonfirm ang appointment ko, binigyan ako ng susi para sa locker at pinaupo sa waitng area. Akala ko meron pa akong 1 hour para mag yoga e, hindi pala. Tinawag na ako ng isa pang babae para pumasok sa loob at dun ininspeksyon at kinuhaan ng biometrics bago tuluyang pinapasok sa loob. Hindi lang DHA exam takers ang kasama ko doon. Lahat ng klase ng exam na inooffer nila puwedeng kunin doon. At one point meron pang isang exam taker na type ng type sa keyboard na nakakawala ng concentration, naisip ko, ano to nagsasagot ng essay??

Sobrang haba ng time na 2 oras para sa 70-item exam pero inubos kong lahat yun.
May buttons sa ilalim upang imark ang isang question na hindi ka sigurado sa sagot para mabalikan mo pag may oras ka pa. Sa awa ng diyos, 80% ng answers ko naka-mark.
Natapos ko ang exam in 1 hour and 20 minutes at isa-isa kong binalikan yung mga hindi ko siguradong sagot. Yung iba talgang hindi ko alam kaya iniwanan ko na lang sa unang hula ko and yung iba naman, nung binasa ko ulit yung tanong, aba nga naman, namulat ako sa katotohanan kaya’t nalaman ko ang mas appropriate na sagot. Thank God! Nung mga 14 minutes na lang, nakuntento na ako at nag End Exam na ako.
Lumabas ako sa test center, kinain ang baon kong sandwhich at naglakad patungo sa Metro Station. Medyo malayo siya actually kung lalakarin pero ayos lang kasi malamig naman at maaga pa, at gusto ko din na tanggalin yung kaba ko na parang kuryenteng pabalik-balik mula ulo hanggang paa, kaya din ako naglakad.

Pag dating ko talaga sa bahay, nanahimik ako sa isang tabi at kinalimutan ko na ang exam. Nanuod na lang ako ng movie at nilibang ko ang akin sarili. Ang daming nagtatanong sa akin

“Ano yung mga questions na naalala mo”, “Pahingi akong tips”, “Madali lang ba?”, “Mahirap ba?”

Sa isip-isip ko, “Huhu, pwede mag recover muna ako sandali?” 

Sinagot ko din naman ang mga katanungan nila kinalaunan. Kinabukasan night duty ako nun, pero nagising ako ng maaga sa isang tawag mula sa office at ang bungad sa akin ay:

“Congrats!!!”

Hindi ako natuwa eh, kinabahan ako. Sabi ko, “Po? Bakit po?”

“Pasado ka na, nag check si Amor sa DHA mo”

Ayoko pa actually maniwala kasi wala pa naman nag e-email sa akin. And ayoko talaga maniwala hanggat hindi nakikita ng sariling mga mata ko.

Nag-check ako ng e-mail ang past 9AM, dumating na nga ang mabuting balita. Dinouble check ko pa sa DHA website, andoon na nga. Aba’y walang mapaglagyan ang tuwa ko!:)
Syempre naman noh! One hurdle down! Ayun nga at pinagsabi ko na sa family ko at kaibigan and super happy ako na nalagpasan ko na siya finally. Ang isang bagay nag 3 months ago, pinoproblema ko pa lang.

So ayun na nga. DHA tapos na! PSV verification na lang ang hinihintay ko — bali nagpunta ulit ako sa website para tignan yung status ngayon lang, Complete na yung nakalagay, ibig ba sabihin nito, wala na akong problema? Naiiyak ako. Huhu. T_T

Kasi naman ayan na lang ang hinihintay ko. Simula ng tumapak ang mga paa ko dito sa Dubai, July pa yun ha, Ayan na lang ang nakapatong sa mga balikat ko. DHA exam, PSV verification at planning para sa Debut ng kapatid ko sa Pilipinas.

And now, tapos na!
GRABE!
EDI WOW!

Ang sarap sa pakiramdam! Parang nabuhat na lahat ng stress ko. Amazing!:)
Mag papa-spa ako and massage. Promise yan. Tatanggalin ko lahat ng stress ko sa katawan bago mag bagong taon. Tapos lumilinis na din yung mukha ko niyan kasi these past few months hala bira yung mga pimples ko. Grabe lang. And now, wala na!!:D

Hay, Thank You God! Thank You! Thank YOU!!

Nakakatuwa naman, nag bblog lang ako, ngayon ko pa nalaman. Sa wakas. :D
May iuupdate pa sana ako, kaso ayoko muna masira ang mood ko. Next kwento nalang. Okay?

Till next time!

P.S.
Hindi na ako gagawa ng DHA tute okay? Madami naman nang blog post about doon. But don’t worry, just comment below and I will answer all your questions about it!:)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s