Our Servers Are Down

Naalala ko yung time na sumakay kami sa LRT tapos dun kami pumwesto sa dulo ng isang cabin. Walang upuan dun kaya nakatayo lang kami habang nakasandal. Walang tao gaano sa tren nung mga oras na yun kaya sabi niya sakin, “Diyan ka sa gitna, tingin ka lang dun, turo niya sa harapan ng tren.” Kaya ako naman, sumandal sa bandang gitna tapos tumingin paharap. Umandar yung tren pa diretcho at pagkatapos ay lumiko at pakgatapos tumuwid ulit. Sa pag diretcho nito, namangha ako na parang bata, para siyang salamin na unti-unting humaharap sa akin. Hanggang sa nakita ko na ulit yung kabilang dulo ng tren. Sobrang napangiti ako. Tapos sabi niya sakin, “ang galing no?”.

Sobrang simple lang, parang tanga no? Sobrang walang kwenta para sa iba pero sobrang natuwa ako. Kasi ganun naman yun diba? Siya yung taong hindi lang ipapakita sayo yung lahat ng bago, malaki at maganda sa mundo. Siya din yung makakapagpakita sayo nung mga simpleng bagay na nandyan lang sa tabi na hindi mo nakikita noon. Mga maliliit na bagay na hindi mo pa pala alam. Simula nung dumating siya sa buhay ko, binigyan niya ako ng bagong mga mata. Yun siguro yung isang sentence na makakapagdescribe kung ano siya sa buhay ko. Simula nung dumating siya para kong naging bata ulit na namumulat palang sa mga iba pang bagay na hindi ko napapansin noon sa sarili kong mundo. Na parang dati nag colored yung mundo ko, pero nung dumating siya, hindi lang naging HD naging 3d pa. Mga bagong kaalaman, bagong lugar at bagong ideya. Hindi lang puso ko ang binuksan niya, pati utak ko nagawa niyang buksan, baklasin at iayos ng mas maganda kesa sa dati. At ngayong malayo siya sa akin, pinipilit kong tignan ang bago kong mundo gamit ang binigay niyang mga mata, pero kahit saan ako tumingin, hindi ko magawang ngumiti dahil parang may kulang.
At habang pinapaalala ko sa sarili ko na darating din ulit ang panahong yun, hindi ko pa din mapigilan yung pakiramdam na parang pinipiga yung puso ko habang hinihigop lahat ng hangin sa baga ko. Hindi ko pa din kaya hanggang ngayon, Baka sakali nalang bukas ulit.

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s