You Had Me at “Suha”

“Kumakain ka ba ng suha?” Yan ang unang tanong niya sakin nung makausap ko siya sa cellphone noon.
Maliban sa paborito ko sa lahat ang suha, napangiti ako sa tanong niyang iyon dahil imagine, kausap mo yung taong gusto mo at sa dami-dami ng pwede niyong pagusapan e, prutas ang topic niyo. Suha, rambutan at mangga. Hindi siya nahihiya at hindi awkward. Casual na casual lang na sinasabi niya sakin ang iba’t ibang klase ng rambutan.

Hindi siya yung tipo ng taong nauubusan ng ideya. Tipong kahit ata nakatayo kayo sa gitna ng Sahara eh may maiisip siyang joke tungkol sa Cactus o may mapapansin siyang kakaiba tungkol sa Camel.
Siya yung tipo ng taong maangas sa panlabas pero pag narinig mo ang playlist niyan, puro old romantic songs ang laman. Napaka kalog pero hindi lang pinapahalata, malalim makaramdam. Kala mo suplado, pero sobrang friendly. Bigay mo trip mo masasakyan niya yan. Siya yung tipo ng tao na napaka pranka at walang halong kaplastikan. Pag nagtanong ka sa kanya, kelngan handa ka sa sagot dahil yung totoo ang makukuha mo. May mga panahon siyang sakto lang, may panahong sobrang sweet. At dahil dun sa mga panahong yun, dun ka masusurprise dahil out of the blue, papangitiin ka niya ng bonggang bongga. Siya din yung tipo ng lalaking ang sarap maging “partner”. Partner sa tawanan, sa kabuangan, sa harutan, sa kainan, sa dramahan at higit sa lahat, partner sa isang relationship kasi makikita mo na gusto niyang patibayin at gawing better ang inaalagaan niyong pagsasama. May magawa mang pagkakamali ang lalaking ito, may malimutan man siyang ibang mga bagay, asahan mong pag naging open ka sa kanya tungkol dito, makikita mo ang tinatawag na effort. At yung part na pinaka nagustuhan ko sa kanya? Malambing sa pamilya, mabuting tao at may takot sa Diyos.

Hindi ko alam kung ilan ang lalaking ganyan dito sa mundo, pero masaya akong pinayagan ako ni Lord na makilala ang isa sa kanila. Siguro madami dami pa nga kaming kakaining bigas (isasaing muna), pero para sa akin, hindi mapapantayan ang mga bagay na nakita ko sa kanya kasi yun yung mga bagay na hindi mo matututunan at maituturo sa isang tao. Mga bagay na likas na lumalabas, mga ugaling naitanim na.

Ang keso! Ang korni! Ang mushy!
Pero lahat yan totoo. :)
Gusto ko lang maiparating sa taong mahal ko na naapreciate ko siya. Ang buong siya mula ulo hanggang paa. Harap, likod, gilid kahit patumblingin mo pa.

Yung biglang yakap niya.
Yung halik niya sa noo.
Yung pag mali ako hindi niya ako kakampihan.
Yung mga maliliit na request kong ginagawa niya.
Yung pagaappreciate niya sa mga gawa ko.
Yung pagpapalakas niya ng loob ko.
Yung mga korni niyang banat at joke.
Yung pagiging “Bait” niya.

Hindi na ako maghihintay ng susunod na Anniversary para bolahin ka. Alam kong hindi natin hawak ang mga araw kaya hindi na ako magaaksaya ng panahon para iparating sayo yung nararadaman ko.
Simple lang, mahal kita.
At thankful ako na nakita mo ko. haha! :) Charot. Syempre thankful ako na nakilala kita! :)

Pag naaalala ko yung mga araw na yun, hindi ko talaga maipaliwanag.
September 18, yung hindi ko alam nakita moko, ang nasa isip ko talaga nun nung pauwi na ako — “May ibang niluluto si Lord ngayon na hindi ko alam”
Pati nung October 5, nakatayo ka magisa sa malayo nakatingin sakin (artehh ko lang?), hindi mo alam nakita kita, naramdaman ko talaga nun, may mangyayari. Merong something.

Hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko lang, alam ko na.
At alam ko nang mahal kita.

Baby, tamad ka na ba magbasa? Ang daming kuda ng khulet mo. E umibig ka ba naman sa manunulat (kuno) eh.
Mahal na mahal kita baby, at hindi pa ako tulog. Nagsusulat lang. :D
Happy monthsary sa atin baby. Wish ko na maging mas matatag pa tayo.
Sana makamit mo ang lahat ng pangarap mo. Sana ay maging masaya ka sa kahit anong tahakin mo.
I love you baby. See you when I see you. :)

-Cherry

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s