It’s Been A Year

It has been a year. At sa loob ng isang taon ay napakarami na ng mga pwedeng mangyari. Sa pagevolve ng mga tao sa paligid ko, hindi ko mapigilang lumingon sa “dati-rati”. At habang nakatingin ako sa nakaraan, hindi ko mapigilang mapa-isip kung gaano kabilis ang panahon at kung ano ba ang nagbago na sa akin mismo. Sa tingin ko madami-dami na rin naman. Pero bakit tila kahit ang dami nang nagbago, parang hindi naman ako umusad. O baka naman baliktad? Parang umuusad pero hindi naman nagbabago?

Sa loob ng isang taon, sobrang dami nang pwedeng mabuo. Pag-iibigan, sama ng loob, pangarap, kabiguan.. sanggol.
Ooops.
Hindi (pa) ako.

Sa paligid ko ay parang mga mushrooms ang mga sanggol na bigla-bigla na lang naglalabasan. Ang mga pictures at status ng mga kaibigan kong biglang meron na palang dinadalang milagro sa tyan. Hindi ko mapigilang maikumpara ang buhay nila sakin. Kung ako kaya, anong mangyayari sakin? WWW III malamang. Pero ang chill lang nila sa panlabas, parang walang problema. Diba? Samantalang ako, pinoproblema parin kung anong trabaho ang nagaantay sakin.

At kung kelan ako magkakapera para mabili ang mga pinagiipunan ko. At kelan ako magkakatime para matapos ang to-do list ko.
Samantalang sila, ibang level na ang problema.
Ni hindi ko pa nga masyado naiinternalize na kailangan ko din mag-asawa someday eh. Na tumatakbo ang mga taon at wala padin akong stable na income para paghandaan ang mga bagay-bagay. Tapos sila ibang level na ang problema.

Ang hirap tumanda. Mga bata, tandaan niyo yan. Dati gusto ko din na tumanda na kaagad para magkaron na ng tiwala sa akin ang mga kapamilya ko. Tipong makaalis sa bahay na hindi na kailngan pang mag novena bago makapagpaalam. Tipong makauwi ng gabi at makapagmall kasama ang mga kaibigan. Gusto ko na noon lumaki para siryosohin ng tao ang mga ideya ko at suhestyon.
At ngayong malaki na ako. Ano?
Ang dami ng responsibilidad. Ang daming dapat gampanan.
Ang dami nang choices. Sa sobrang dami, hindi mo na alam kung alin ba ang tamang piliin o meron man lang bang tamang choice. Isang pagkakamali mo lang, ibang tadhana na ang nakalaan para sayo.  Ganun kahirap. Wala ka na ngang pera, wala ka pang oras. O may pera ka nga, wala ka namang oras. Pag marami kang oras, wala ka namang pera. Kung may pera ka at may oras ka, wala ka ng energy para gawin ang mga gusto mo.
Dyan pumapasok ang salitang “kung mayaman lang ako..”

Pero mabalik tayo sa “It’s been a year”..
Araw-araw, “It’s been a year..”
Bukas isang taon nanaman ang nakalipas. Diba?
Ano nanaman kaya ang isang bagay na lumipas na?

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s