Forked Path

Kakatapos ko lang magworkout at ngayon nga ay nakahiga dito sa sala ng tita ko. Ang workout na sana ay 30 minutes ay naging 19 minutes inclusive na ang pahinga jan ah. Fail ba ang first day repeat ko? Hindi naman siguro.Bakit? Kasi sinimulan ko. NGAYON. Hindi bukas.

Sa totoo lang sa mga oras na ito ay may gumugulo sa utak ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang pipiliin ko.
Naka 4 months nako sa ospital at narealize kong ilang taon pa ang bubunuin ko para makatungtong sa gusto kong level.
Ganito kasi yan.
Gusto ko na mag call center.

1 Year bilang exploited nurse ng gobyerno
Sabihin na nating maswerteng napasok kaagad sa ospital.
2-3 taong experience bago makapag apply sa ibang bansa.
Bali average ng 5 taon para makapag abroad.
Sa loob ng 5 taon, sabihin na nating 15 ang average na sweldo ko kada buwan.
Sa loob ng 5 taon, tapos na din ang kapatid ko sa college.
Matatapos lang ang 5 taon na said ang pitaka ko.
At 29 nako nun.

Noon pa man naging malinaw na sakin na hindi ko pangarap maging nurse habang buhay. Hindi ko din pangarap na mamatay na nagtatrabaho.
Ang gusto ko, makatulong sa pamilya ko, magtayo ng negosyo ko at wag na umalis sa Pilipinas.
Oo, nagbago na ang gusto ko. Dati rati gusto ko mangibang bansa, ngayon ayoko na. Alam kong walang pagyaman sa Pilipinas pro hindi naman kasi ako mamatay pag di ako yumaman eh. Gusto ko lng ng saktong buhay kung saan kumpleto ang mga pangangailangan ng pamilya ko, yung sapat lang at hindi sobra. Gusto ko lang ng kumpleto, masaya at malagong pamilya sa lahat ng aspeto.

Simple lang naman ang pangarap ko diba?
Kaya ayoko maging OFW kasi OFW ang nanay ko, at yung tatay ko naman fetus palang ako di na sya nagparamdam. Ayokong maulit lang ang history.
Gusto ko lng magkaron ng negosyo. Magstay sa Pilipinas at kumita. Yun lang.

Kung mag ccall center ako ngayon, sabihin nating sa loob ng 5 taon na yun average na 20 ang sweldo ko. Madami ako maiipon,makakapagbigay pako sa mama ko at sa kapatid ko. At kung gusto ko man bumalik sa Nursing, pwede naman diba?

Nagiisip parin ako hanggang ngayon, pero 70/30 na ang labanan.

Hindi ko alam san ako tutungo.
Anong daan ang tatahakin ko…?

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s