Ningas Kugon

Ngayon talaga yung time na sobrang badtrip ako. Pag kasi may kinaiinisan kang bagay, kadalasan hindi ito dahil lang sa iisang rason. Minsan kasi, kapag pinapalagpas mo ang mga maliliit na bagay, unti-unti tong maiipon hanggang dumating sa puntong, isang bagay lang ang magpapalabas ng inis mo.

Ano ba naman yung nagmemessage kayo sabay, mawawala siya at makakareceive ka nalang ng text na may iba na pala siyang gagawin?
Ano ba namang yung magbbye? Mag pasabi man lang na wala ka na palang kausap. Parang naguusap kayo ng personal, tapos kalagitnaan ng pagkukwento mo, bigla kang tatalikuran.
Bastos ang peg lately?

Yung huling message ko pa naman sa kanya eh tungkol sa miss ko na yung mga dating posts niya sa wall ko. Ang ssweet kasi.
Ang mga tao talaga, hanggang umpisa lang. Hanggang isa lang. Tapos, pag tumagal na…Nga Nga.
Kung iisaisahin ko ay baka sabihin mong demanding akong girlfriend. Ang masasabi ko lang, hindi demanding ang hingin mo sa boyfriend mong gawin niya ang mga RESPONSIBILIDAD niya.
Lahat ng mga bagay na kinikimkim ko lang dahil ayokong palakihin ang mga bagay o di kaya dahil “baka may rason siya” o “baka ngayon lang, next time hindi na” ay biglang lumutang nanaman sa isip ko. At for the first time, sa sobrang puno ko, ay naisipan ko na talagang tapusin na ang lahat. Tipong, whatever. Bahala na. PERIOD. Tipong nagisip talaga ako.
Bakit hindi natuloy? E nawalan ako ng load sakto e.
At sabi nga nila, huwag mag popromise kapag masaya ka, at wag magdedesisyon pag galit ka.

Kaya eto, tamang sulat para mawala ang init ng ulo.
Sana, ang mga lalaki hindi ganun no? Magaling lang pag nanliligaw. After ng mga unang kilig, ni hindi ka maalalayan bumaba ng jeep, ni hindi ka mapagbuksan ng pinto, ni hindi makagawa ng kaunting effort para mapangiti ka.
Kala siguro nila, forever kang anjan. Akala nila, porket nakuha na nila ang puso mo, hindi na to pwedeng mawala.

Akala lang nila yun.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s