New Year’s Resolution for 2013

Ang tagal ko nang hindi gumagawa ng New Year’s Resolution. Actually, hindi ako naniniwala dito, dahil narin sa kadahilanang kahit ako mismo ay hindi nakakasunod dito. Pero narealize ko, not this year. Pangalawang araw pa lang ng taon at naisip kong kailangan meron akong baguhin sa pagpapalakad ng buhay ko, kundi, parehas ang magiging ending nito. Di naman sa hindi ko nagustuhan ang 2012 ko, gusto ko lang na matapos ang 2013 nang mas better. Di ba, change for the better is always good? So, inisip ko ano ba ako last year? I came up with 3 resolutions.

Resolution #1: Law of Attraction
Oy ah, hindi yan kalandian.  Ang ibig sabihin ng law of attraction ay yung kung ano ang iniisip mong mangyayari, yun mismo ang mangyayari. Kumbaga, iaattract mo papalapit sayo ang positive energy sa simpleng paniniwala lang ng buong puso na mangyayari ito. Tipong paniwalaan mong, magkakatrabaho ka, may pera ka, makakabili ka ng ganito, makakaipon ka ng ganito. As in paniniwalaan mo at hindi bukang bibig lang. Yan ang Law of Attraction. Paniwalaan mo at maattract mo ito.

Resolution #2: Say “YES!”
Ito ang problema sakin minsan. Always logical, dapat lahat may sense. Hindi pwedeng basta gusto, dapat kailangan. Bihira ako gumawa ng bagay just for the sake of it, that’s why, napapalagpas ko ang mga bagay at in the end, ang mga opportunities. This year, I will say YES! Coffee this weekend? Yes. Swimming next week? Yes. Singapore on August? Yes. Tipong, go lang ng go. Globe ang peg? Kumbaga, parang yung movie ng Yes Man. Ang gawain ko nuon calculated, I’ve tried it, it’s good. Pero ngayon, ibalance natin. I’ll be impulsive once in a while. Yan ang natutunan ko sa nobyo ko. Just. Do. It.

Resolution #3: “Fuck it!”
Ito naman ang natutunan ko sa isang fnfollow kong vlogger sa youtube na si Luan Legacy. Sobrang nakakatawa siya and inspiring. Ito din ang sagot ko sa stress sa buhay ko. Kasi, kadalasan tayong naaapektuhan ng mga negative vibes eh. Pag hindi dumadaloy ang ilog patungo sa gusto nating puntahan, nasstress tayo. Pag may mga bagay na humaharang sa mga plano natin nasstress tayo.
So, ang solusyon jan? “Fuck it”
Kung hindi mo kontrolado ang isang bagay, bakit ka magsasayang ng oras para dito? Just let it go and you’ll be alright.

So, yang tatlong new year’s resolution ko this 2013. I feel so positive already.

Sana, magampanan ko yang tatlong yan all year round for a better life and a better me.
Wooh! Goodluck!

So ikaw? What’s your New Year’s Resolution?

2 thoughts on “New Year’s Resolution for 2013

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s