2012 Year-End Review

At heto nanaman tayo mga kaibigan, isang makabagbag damdaming post tungkol sa isang buong taon. Nagbalik tanaw ako sa post ko nung nakaraan dalawang taon. Ewan ko ba kung bakit pero 2010 nagsimula ang tradisyon kong isummarize ang aking taon. Eh nung 2009 MIA ako nung new year at nung 2008, ang huling post ko ay tungkol sa aking mga pets. Ano kaya yun??
Sa kadahilanang meron akong memory ng kagaya ng sa Goldfish eh kailangan kong umupo dito at magmuni-muni para maalala ko kung saan ba napunta ang isang buong taon ko. Sa totoo lang, ngayon ko lang talaga masasabing mabilis ang mga araw, kasi yung January eh parang kapitbahay ko lang na pag binuksan ko yung bintana ko e andun lang siya. Tipong hindi ko lubos akalain talagang isang taon na ang lumipas. Game tignan natin kung maalala ko pa ang lahat ng highlights.

Nitong taong ito, unang beses ako ng training sa ospital. Unang pasok ng taon, excited ako kasi mag ttraining ako sa NKTI sa loob ng 4 na buwan. Horaay! Hindi na bum! Pero palamunin parin. Sobrang thankful ako sa pagkakataong ito na nagkaron ako ng chance na makapagtraining sa napaganda (at high-tech) na ospital na ito. Ang dami kong natutunan at bagong naging mga kaibigan. Nung lumabas ako dito makalipas ang apat na buwan ay naging mas confident ako sa mga skills ko bilang isang nurse. At yung mga nakilala kong friends, in touch pa rin kami kahit nagka iba-iba na rin kami ng landas na pinuntahan. Para sa aming lahat, goodluck, nurses.

Nitong taong ito, nawalan din ako ng isang kaibigan. Yumao ang isang college friend ko. Isang taong, naging minsan naring laman ng mga blogs ko masasabi kong naging isang parte ng buhay ko. Nagkaron siya ng sakit na hanggang ngayon ay hindi parin malaman ang dahilan. Naging malala ito at kumplikado hanggang sa dumating ang araw na bigla na lang siyang nawala. Hindi ko maipagkakaila na naging laman siya ng puso ko noon at nagiwan siya ng saya, pagkatapos ay sakit, pagkatapos ay aral. Hindi din iyon lingid sa kaalaman ng girlfriend niya at mga kaibigan ko nung nagpunta kami sa kanyang burol. Para sa kanya, may you rest in peace.

Nitong taong ito, naging parte ng aming pamilya ang isang napakalambing at napakulit na tuta na si Toby! Isang masiyahing aso na walang gustong gawin kundi bantayan ka, makipaglaro sayo at sa ibang pagkakataon, ubusin ang natitirang pasensya mo. Para sa aming mahal na Toby, sana magsama pa tayo ng matagal.

Nitong taong ito, aba’y akalain mong nagkaron ako ng nobyo! Si Cherry, may boyfriend? Matapos ang limang buwang panunuyo (pambobola) ay naging official na kami ni Alfred. Naging lalong masaya ang mga dumadaang araw dahil sa kanya. Nagsisimula palang ang aming relasyon at madami pa kaming matututunan tungkol sa isa’t isa, madami pang dadaan na problema at solusyon sa amin. At ngayon ngang unti unti na kaming dumadaan sa malulubak na kalsada, ang panalangin ko lang ay mapagdaanan namin ang lahat ng ito at malagpasan ng magkahawak parin ang kamay. Para sayo, thank you, babyboy. ♥

Nitong taong ito, nawalan ako. Nawalan ako ng cellphone. Ang pinakamamahal kong iPhone na kinuha sa akin habang ako ay naglalakad sa Guadalupe. Tuwing iniisip ko ang mga pangyayari, kumakabog pa din ang dibdib ko sa takot, galit at lungkot. Para sa taong kumuha ng cellphone ko, bahala na sayo si Lord.

Nitong taong ito, nagkaron ako ng trabaho. Pinaka unang trabaho ko na mayroong sweldo kada buwan. Isang online English tutor  sa mga Hapon. Magaang trabaho siya, kasi hindi ka na aalis ng bahay. Ang problema lang ay mainit sa kwarto ko at nakakatuyo ng laway ngumiti at magsalita sa loob ng limang oras. Tinigil ko na siya ngayong buwang ng Disyembre, pero itutuloy ko ulit ito next year. Para sa aking trabaho, salamat sa extra money. Sana bati na tayo next year.

Nitong taong ito, syempre nag birthday ako! At for the first time, ako ang gumastos para sa aking kaarawan. Nabawasan tuloy yung birthday gifts para sakin. :( Nagpunta din kami ni Alfred sa Tagaytay nitong araw nato kasi monthsary namin, tapos nag celebrate kami sa bahay kinahapunan. 23 years old na ako nitong taong ito at unti-unti nang kinakabahan para sa aking future. Para sa October 18, 2013,  magkita kaya tayo next year?

Nitong taong ito, nagbukas kami ng bagong business ni mama. Online and at the same time meron kaming pwesto malapit dito sa amin. Beta version kumbaga. Trial lang kung paano ang pagpapatakbo. Ayos naman siya, pero mababa ang success rate. Pero siguro next time, pag nakakuha na kami ng totoong pwesto, or mas stable na business mas maganda na. Para sa future businesses namin, sana maging successful kayo!

Nitong taong ito, nagkaron ng dalawang bulinggit sa aming pamilya: si Neo at Andrew. Sila ang mga bagong angels ng aming bahay at isang ngiti lang nila ay pawing pawi na ang aming mga pagod at lumbay. Thankful ako sa blessing na ito maraming naghihintay sa kanila ng matagal nang panahon. Para sa kanilang dalawa, sana lumaki kayong mabubuti, masisipag at may takot sa diyos.

Nitong taong ito, ay mayroon nanamang nadagdag sa aming pamilya. Tatlong cute na cute ng puppies mula kay Sachi at Toby! Wala pa silang 1 month kaya sa mga panahong ito at sarado pa ang mga mata nila at gumagapang. Para sa kanilang tatlo, nawa’y maging simula ito ng isang magandang pagsasamahan. :P

Nitong taong ito, nagmessage sa aking nag tatay ko. For the first time, meron kaming contact. Pero hindi ito dramatic scene or anything. Nothing deep or long. Short messages for a short period of time and that’s it. Para sa kanya, courage.

Nitong taong ito, Nagtry sana kami mag Salsa lessons! Kaso sawi, dahil ayoko na ng Salsa dahil ang hirap, Latin dapat talaga ang eenrollan namin. Ayun, nasayang ang pera. :)

Sa dami ng nangyari sa taong ito, hindi ko alam saan ako unang mapapasalamat. Taon-taon, ang dami daming nagaganap na pagbabago, ni hindi mo mapapansin may nagbago na pala. Unang una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Lord dahil buhay pa ako. Pangalawa sa lahat ng blessing and challenges na pinapadala niya sakin. Never pa siyang hindi sumagot sa mga tanong at dasal ko. Pangatlo, sa pamilya na laging gumagabay at nagpapatawad at sa mga kaibigan na hanggang ngayon ay kasa-kasama ko parin sa biglang lakad at kulitan. Sa mga bagong dumating sa buhay ko, sana magtagal pa ang samahan natin. Sa trabahong paparating, alam ko maabot din kita, tiwala lang. :) At sa mga parating pang pagsubok sa 2013, alam kong makakaya ko kayo. Alam kong isa nanamang makabuluhang taon ang darating na magpupuno ng isang blogpost sa susunod na taon. Same time, same place. :)

Sana safe ang lahat at walang maputukan. Sana wala ding mangyaring sunog o anu mang disgrasya. Sana, enjoy enjoy lang ang lahat.
Ngayong tapos na ako gumawa ng dessert — laging dessert ang nakatoka sakin at pasta, ay aakyat na ako sa rooftop para manuod ng fireworks. 10:47 PM on the clock. :)

Blessed new year to everyone! Have safe new year!

 

Cherry, 2013 Edition

Cherry, 2013 Edition

 

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s