Baliktaran

Sabi nila, opposites attract daw. Ngayon ko lang yun napatunayan talaga first hand. Kung babalik tayo sa nakalipas at lilikha tayo ng isang pagkakataon na kung saan magkakalase kami noong highschool nitong nobyo ko, malamang hindi kami magkakasundo. Dahil sa mga kwento niya saking puro kalokohan siguro mortal enemy kami nyang patpatin (noon) na yan, dahil ako yung taong laging magsusumbong sa kagaguhan niya. Kung pauupuin kami ng magkatabi, sobrang dami naming pagkakaiba. Kumabaga e parang dalwang magnet na magkaiba ang poles; parang plus at minus, divide at multiply; parang short at palda; parang kape at cocoa.
Ako alam ko, dun ako naattract sa kanya, pero ako di ko alam ano bang nagustuhan sakin nung mokong.
Madaldal siya, tahimik ako. MaPR, mahiyain ako. Mapagbiro, taga tawa ako. Alam at napagdaanan lahat ng kalokohan, good girl ako. In short boring ako. :)
Hindi ako mahilig lumabas, mahilig lang ako magsulat at magbasa. May braces pa nga ako dati at nakasalamin pa! Mahilig ako magaral at magresearch ng mga bagay, hindi ako party girl at hindi ako mahilig uminom ng basta basta. Naimagine nyo na ba ako at siya?

Pero habang tumatagal kaming magkasama e napapansin kong nagbabalance kami. Hindi na niya sinusuot ngayon yung mga hikaw niya sa tenga at sa dila at ako naman tong gusto ngayong magpalagay ng butas maliban dun sa dalawang butas ko sa magkabilang tenga. Wala naman siya tattoo noh, mahilig lang siya magpa henna ako naman tong gustong magpalagay ng totoong tinta. Pero siyempre hindi siya pumapayag sa lahat ng yan. Daya nga eh. Haha. :)

Para bang Yin and Yang (weh). Yung wala siya, meron ako. Yung meron siya, wala ako. Kinocomplement namin yung isa’t isa. Tinuturuan niya ako at tinuturuan ko siya. Sa huli, nagiging better kaming dalawa. Ang ganda diba?

Wala, naisip ko lang talga. Sobrang miss ko lang kasi siya these days na tipong pag magkasama kami, tinititigan ko lang siya sa mga ginagawa niya at parang yung mga mata ko e camerang nagrerecord ng bawat kilos niya, bawat ngiti at bawat kislap ng mga mata. Tipong hindi sapat yung mga halik at yakap, parang kahit anung lambing niya, dun ko pa siya lalong namimiss.
Lungkot diba?
Kaumay yung kasweetan diba?

Pero totoo. Miss ko na siya.
At ngayong tinatype ko ito. Binabalak kong magpalagay ng maliit na tattoo para sa kanya.
Yak! Hindi pangalan niya no!
Isang simbolo na nagrerepresenta sa kanya, may naisip na nga ako e.
Hindi tattoo na para sa kanya, tattoo na para sa akin.
Kumbaga, isang remembrance na dumaan ang isang tulad niya sa buhay ko.
Pero syempre hindi pa yun ngayon, sa mga susunod pang taon…pag pumayag na siya.. :)

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s