Nakakalason ang selos

Nakakalason ang selos. Do not swallow, rinse and spit lang.

Alam kong minsan ay napaka unreasonable ng mga babae pag nagseselos na dumadating sa point na kahit kapatid at pinsan ay pinagseselosan na. Wag na wag nating gagawin yun girls. Ako, hindi ako selosa. Charot. Selosa ako, super. Pero ako yung tipong selosa na hindi nagbubunganga o tanong ng tanong unless kailangan talaga o hindi ko na mapigilan. Syempre palambing ko lang itatanong sayo kung sino ba siya sa buhay mo, may gusto ba siya sayo, etc. at hanggat maari, ayoko nagseselos ng walang dahilan. Ayokong ayoko pa naman sa lahat ay yung nakakaramdam ng ganito kasi ansakeeet sa bangs. Ako pa naman yung tipong pag na hot listed ka, mainit na yung mata ko sayo. Kahit hindi ko sadyain eh madami akong napapansin na ultimo oras kaya kong kwentahin para masigurado kung tugma ang lahat. Masahol pa daw sa FBI kung mag imbestiga ang babaeng nagdududa — at naniniwala ako dun.

At yun ang dahilan kung bakit ayoko ng ganitong pakiramdam at ayoko ng isipin ito. Wala naman kasi talagang rason lalo’t common friend lang ang pinagseselosan ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit eh. Siguro para lang isang aso na kailangan markahan ang kanyang teritoryo lalo’t may mga ibang asong nakapaligid. Wag kayo magalala, hindi ko pa naman kailangan ihian si boyfriend. Ayoko din naman kasi magselos dahil wala naman ako dapat ikaalala sa kanya. Maliban sa madalas siyang makalimot magtext at magupdate, hindi ko (pa) naman siya nakikitaan ng rason para pagdudahan. Nega lang?
Hay. Buhay.

Sa ibang ulo ng mga balita. Kinakabahan ako.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s