Nursing sa Pilipinas

Okay, good gracious. Andito nanaman ako sa araw na kinaiinisan ko sa isang buwan. Yung eksenang depressed ako at naiinis sa mga pangyayari sa buhay ko. As of now, nagbabasa ako at nagreresearch sa internet tungkol sa mga Agencies, websites and blog ng mga nurses. Ang natitipuhan ko puntahan for now is Dubai syempre dahil may mga kakilala na ako dun pati yung mama ko at pati na rin sa Australia kasi in demand daw ang nurses doon according sa websites na binasa ko.

As you know, 2010 graduate ako and up to now, wala pa rin akong work dito sa Pilipinas as a Nurse. Nakapag renew na ako ng ibang mga requirements dahil nageexpire yung mga certifications namin and IDs tulad ng sa Basic Life Support. Nag try na din ako mag training sa NKTI for 4 months and nakapila narin sa kanila yung application ko for pooling. As an entry nurse na wala pang experience (malamang entry nga e :)) eh masasabi kong napaka hirap talaga at nakaka overwhelm lalo’t wala naman akong close na mga kamag anak na nasa field ng nursing o may alam tungkol sa CGFNS o NCLEX o TOEIC kaya kailangan ko magresearch mag-isa mag tanong-tanong at alamin ang mga pasikot-sikot sa mundo ng nursing. Napaka hirap ng sitwasyon dito sa Pilipinas kung nurse ka. As of writing, unang una mong kalaban ay politics sa hospital. Of course, “It’s not about what you know, but who you know” ang eksena. Kung may kilala ka sa munisipyo niyo o sa ospital na papasukan mo, may edge ka. Pangalawa e yang volunteerism. Ang alam ko e ang pag vvolunteer ay dapat bukal sa loob ang pag sali at wala kang hihintayin na kapalit. Ang malupit sa nurse volunteerism, mapipilitan ka na ngang pumasok ng ilang buwang walang bayad dahil kadalasan dun hinuhugot ang mga applicants, eh 70% of the time, ikaw pa ang magbabayad sa ospital na papasukan mo. Imagine, trabaho mo ang trabaho ng mga staff nurse sa ospital nun. Sa ibang bansa, kapag volunteer ka, limited lang ang work mo tulad ng hindi ka pwede magbigay ng gamot, etc., sa Pilipinas, hindi, ka level ng trabaho mo ang trabaho ng staff dun at kadalasan higit pa, volunteer ka lang naman eh? Ayun, nawili ata ang mga ospital sa nakukuha nilang libreng mga tauhan na uhaw sa hospital experience na requirement naman para makalipad. Sino nga ba naman ang magbabayad pa ng pera para mag-hire kung may mga tao namang nakapila sa labas ng gate nila, hayok na hayok makapasok? Eh pano pa yung nurse-patient ratio sa mga gov’t. hospitals? Kung 40 ang pasyente at dalawa lang kayong nurse sa loob ng walong oras, tingin mo anong mangyayari sa quality of care at sa health ng nurse? Tapos ang sweldo ihuli na natin, 8-10K kada buwan?
Masisisi mo ba ngayon ang mga nag call center agents na lang na maaring makalasap ng 15K pataas sa isang buwan?

Ipasok na natin dito ang “calling”. Ung eksenang kung nasa puso mo talaga ng nursing, kakayanin mong lahat yan. Kung calling mo talaga ang tumulong sa mga may sakit, hindi mo iisipin ang pera.
Sige, kung ganun lang din ang usapan, ipasok na rin natin dito ang “practicality”. Magkano tuition fee? Magkano review center? Magkano board exam? Magkano ang training? Calling na kung calling pero hindi ako nag nursing para magpasa ng resume sa Vatican para maging santo. Baka ubos na ang kalabaw sa probinsya at tuyot na ang palayan hindi ka parin makakatapak sa loob ng ospital. May mga taong nakatingin sayo at umaasang ikaw naman ang tutulong. May mga bitukang nagugutom at batang kailangang paaralin. May mga kamag-anak na dapat bayaran at dapat pautangin. Aanhin ko ang calling kung yung calling ko sa pamilya ko at sa sarili ko hindi ko magampanan?

Ngayon nga ay English tutor ako at tuwing nalalaman nila kung bakit ako tutor at hindi nurse ay nagugulat sila. Hindi sila makapaniwalang tambak ang nurse dito samantalang sa kanila e shortage, walang gustong mag nurse kasi mahirap. Aba’y kung marunong lang ako mag Nihongo eh mabilis pa sa alas kwatro andyan nako.
Sabi ko nga e kung mayaman lang ako magpapatayo ako ng ospital kung saan 2 years lang ang maximum ng isang nurse para unti-unti nang mabawasan ang mga nurse dito. Kung marami lang trabaho dito sa Pilipinas sino bang may matinong utak ang gusto pang lumayo?

Wala na akong magagawa kundi mangarap at magdasal na sana, sa pagdating ng panahon may magbago na sa araw-araw kong buhay dahil gustong gusto ko na maging nurse. Kaso, marami rami pa akong kakaining bigas. Lulutuin ko pa yan para maging sinaing. Diba? Oras nalang ang makapag sasabi. Baka malay niyo, sa susunod na mga buwan iba na ang kinukwento ko dito sa blog ko? :)

Hay, good luck na lang. At kung student nurse ka sa mga panahong binabasa mo to, wag ka mag-alala. Wala naman makapagsasabi ng bukas e. Good luck sayo at good luck sa lahat ng unemployed at underemployed dito sa Pilipinas.
God bless us all..

2 thoughts on “Nursing sa Pilipinas

  1. vamothvam says:

    Tama ka.
    naging biktima lang ba tayo ng panahon?
    hindi ko inakala na ganito ang mundo ng nursing,
    walang nakapag guide sa akin.
    nakakalungkot.
    2009 ako graduate at naging Tutor din ako tulad ng marami naging call center agent din. :)
    saan kaya tayo tatangayin ng agos ng Buhay sa Nursing?
    sa Saudi kaya?

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s