Teacher, Teacher?

First day ng training ko ngayon :) And of course, umuulan. Demmet.
Hindi siya training sa hospital, and wala siyang connection sa nursing. Ano nanaman tong pinasok ko? Well, training para maging instructor/tutor ng English para sa mga Japanese. O diba? Feeling magaling mag English? ☺ Matagal ko na rin naririnig to. May kabarkada na rin ako na nagtrabaho ng ganito, for Koreans nga lang. And right now, hindi ko alam kung hanggang kailan o saan ang aabutin ko dito, basta ang alam ko lang, gusto ko gumalaw-galaw at nasstroke na ako. Ang bagay na nakakuha ng aking atensyon ay yung salitang “part-time” dun sa job description. So nag apply ako online. At ayun, nakakuha ako ng interview – via Skype. Oh yeah, isa pa palang nakapagpa-oo sakin ay yung salitang “home based”. So there. Astig diba? Andami ko pang pinagdaanan na hadlang bago makuha ang nasabing interview. Pano, sira yung mic ng pc namin, so bumili ako ng mic sa Cdr King. Sure enough, binili ko ang quality na binayaran ko, so medyo sabihin na nating nasira siya pagdating ko sa bahay. At ang malupit pa dun ha, webcam ang binili ko ng mahal. Ano ba yun? Anyway, sira naman na kasi talaga yung webcam namin so ayun. The day of the interview, same day na lumabas ako at pumuntang NKTI – which is another failed story – eh hindi na gumana yung mic, naputol pa yung internet at namatay yung pc. Oh diba? Sa mga taong naniniwala sa mga divine interventions na ganyan, like me, e ibang pangitain na yun. So what I did is nag pa reschedule ng interview. Ang kapal ko diba?☺ Minove nalang next day. After nun, umalis ako agad at bumili ng mahal na pink na headset. O diba? Para hindi masyadong madrama ang buhay ko. Gumana naman siya. Nakuha ko ang interview ko the next day and it went good naman. Fun siya actually but I know, sa mock teaching lang yung madali. Huhu :(
Hindi ko na sasabihin sa inyo ang salaray, pero I can say na worth it siya for the time na isspend mo. I just hope, magustuhan ako ng magiging mga students ko and maturuan ko sila ng matino.
Kasi, for the next 6 months, nasa kanila ang attention ko.

Mabalik tayo sa today. So today nga yung first day ng 2-week training ko. Hapon hanggang gabi yun for the first 4 days. And kakakain ko lng ng aking almusal, at kailangan ng magready para makalayas na. Susuungin ko ang kalsada, di alintana ang ulan at hangin, para sa isa nanamang kakaibang karanasan. Maiba lang ang cycle ko sa bawat araw. Magkaron lang ng magagawa at masabing kahit papano, merong pinaglalaanan na importanteng bagay ang ilang oras ko sa buong araw.

Anyhow, kilos kilos na rin ako at baka malate pa.

More updates soon,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s