Walang Katapusang Requirements ni Nurse

Kapag graduate ka talaga ng nursing,  hindi natatapos ang gastos sa graduation fee. Meron ka pang pagkakagastusang board exam, review, PRC license, Vaccinces, NCLEX, ANSAP, IVT, BLS, ACLS at mga updates at seminars Take note, naeexpire ang mga requirements na yan at kailangan mong regular na irenew. Bongga diba?

As of now, License, ANSAP, BLS  at IVT pa lang naman ang pinoproblema ko. At dahil nagtapos na ang training ko sa NKTI at certificate nalang ang hinihintay ko, nagkukumpleto na ako ng requirements para muli nanamang magapply sa kaospitalan sa Maynila.

1. NBI Clearance. Wala na daw renew ng NBI, kailangan magapply ka ulit ng bago. At dahil expired na yung NBI clearance ko edi welcome sakit ng ulo. Alam mo ba kung gaano ka dami ang pumipila sa pagkuha ng NBI? Nag close na kasi yung NBI sa Star Mall at wala na rin yung NBI sa Tutuban Mall, kaya ayun sumabak ako sa main office sa UN. Tip: Wag ka daw pupunta ng Lunes at siguraduhin mong maaga ka ng bonggang bongga. Mga 7 pumila ka na, kundi sawi.

2. Hep-B Vaccine. Php 1000 per shot sa Pedro Gil.

3. BLS. Naghanap ako sa ng BLS (Basic Life Support a.k.a. CPR) training sa internet. At nakakita ako ng perfect training. Paanong perfect?  Yung one day lang ang training, makukuha agad ang ID, updated ang tinuturo, 2 years ang validity at AHA (American Heart Association) accredited.
Boom! Lumabas ang Rescue Academy sa Sulit kaso last day na nung araw na yun para magparegister, at sa Pasig pa ang location. Nag research ako sa internet at naginquire through text. Nakakaduda nga lang talaga kasi maraming manloloko sa internet at tapos through bank ang bayad.
Mukang totoo naman ang website nila at bank account so dali-dali akong nagbihis at nagdeposit ng 3,000.

No worries, legitimate naman. Maganda ang training nila at nagustuhan ko na 7 lang kami. Maganda ang training handbook, may cardboard pamphlet at may snacks at unlimited water and coffee. Tigiisa kami ng dummy at mababait ang staff and instructor. Yes, nagadvertise?
Just visit www.rescueacademy.com.ph for more info :)

Remember: Kung first time trainee ka, please wag ka magsuot ng damit na mababa ang neck line, at kailangan roundneck lang. Mas okay kung simpleng t-shirt lang at yung hindi lumalabas ang likod kapag yumuyuko. Mas maganda kung hindi white ang damit dahil hihiga ka sa sahig. Mag pants ka rin at mag suot ng comfortable shoes. Girls, wag na magake-up ng bonggang bongga dahil papawisan ka lang dun. Magdala din ng jacket kung magttraining sa Rescue Academy. Lakas ng aircon nila dun :) Labo, papawisan tas jacket.

So as of now, hinihintay ko nalang yung NBI clearance ko kasi meron akong hit -_- Meaning may kapangalan ako. Tapos iuupdate ko nalang yung CV ko, tapos, exit interview and clearance sa NKTI sa 15, tapos tapos na! Job hunting nanaman.

Goodluck to me.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s