Supermoon

So madaling araw na. Gising pa ako. Hindi ko alam kung bakit pero tingin ko dahil ito sa supermoon!
Kanina eh nakahiga lang naman ako at nagssoundtrip, sa ka-emohan ng mga pinakikinggan ko eh naluha ako. Alam mo yung feeling na naiiyak ka ng walang dahilan? Parang tanga lang eno? Sobrang bigat lang talaga ng puso ko ngayon, di ko maintindihan kung bakit.
Kung dahil to nagtampo ako kay Alfred kanina, eh grabe naman kasi okay naman na kami.
Kung dahil to namimiss ko siya, eh posible. Kahit kahapon magkasama lang kami at bukas ulit.
Kung dahil to malapit na ako magkaron, OA ah! Tagal pa kaya.

Pero hindi ko talaga alam. Parang masakit yung sikmura ko tapos mabigat yung dibdib ko. Tapos ang lungkot ko talaga :(
Hmm. Nagpapapansin lang siguro ako sa boyfriend ko. Kaso dedma. Kung dati hindi niya ako papatulugin hanggat hindi ako okay, ngayon “Sige, goodnight po, iloveyou” nalang ang katapat ko :)

Haha, drama ko lang.
Nampotek naman kasi yan oh. Gusto ko nang matulog. Ano ba?
Actually, gusto ko mag superunli, tawagan siya at marinig ang boses niya para makatulog na ako. Simple lang naman ng sleeping pills ko diba? Kaso parang ayoko lang kasi baka masyado nang demanding ang drama ko. TEKA! Nagtext siya!

Lintek. Di pala.
Sarap lang ng ganung feeling ano? Yung may hinihintay kang reply, tapos may magtetext akala mo siya, hindi pala.
Anyway, baka tulog na siya. Kasi nga may lakad kami early morning bukas. Kaso namanm sa lahat ng araw ngayon niya pa naisipan matulog ng maaga. Umaabot kaya yun ng 3am gising pa. Teka, iisipin ko muna kung magloload ako or wag na.

Syempre akalain mo nga namang magloload pala ako. Pero ito na ang tunay na test. Maguunli ako, tignan natin kung papasok :) Ay syempre pa! Akalain mo nga namang pumasok!

Mambubulabog muna ako,
pag bumalik ako, malamang sawi.

Pag hindi na, malamang nahihimbing na ako at success ang paguusap namin :)

Babaeng topakin, out.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s