Muntanga

Alam mo yung feeling na muka kang tanga?

Simulan ko ah.
Kasi kanina, dapat pupunta ako sa U.N. para magparenew ng NBI clearance. Kaso nga lang, alanganin na dahil 9 na ako halos nakaalis. Tapos, edi magpapavaccine na lang ako, kaso pagpunta ko naman, anak ng tokwa puno yung room! Parang physical exam day! So nauwi nalang ako sa lakwatcha :D

Wala naman kasing konek yun sa gusto ko irelate e. Ahaha!
Kasi kanina, nanunood lang naman kasi kami ng TV. Tapos napapatingin ako sa kanya at napapatitig. Tipong, feeling ko eh para akong highschool na may crush sa kanya at kinikilig ako na katabi ko siya. Parang tanga lang diba?:) As in napapatitig ako sa kanya, tapos naiisip ko na ang swerte swerte ko.


Alam mo yung mapapatingin ka nalang sa kanya tapos mapapabulong ka ng “Thank you Lord ah?” :)

Ganun eh. Parang ewan lang ako :) Kilig na kilig ako sa boyfriend ko ano?
Hay.

Kaakibat ng mabigat kong nadarama para sa aking sinisinta ay ang sing-bigat ko ding pangamba sa pagdating ng oras na kailangan na niyang pumunta sa taong sa kanya itinakda.

Pero siryoso,
partida, naka sideview palang yun ah, pano na pag ngumiti pa?
Siguro kung nababasa mo lang to Alfred, tuwang tuwa ka nanaman. GGSS ka talaga!:)
Mag pahumble ka naman!

Ehe :)
Hay inlababo ♥

P.S.
Magpaparenew nanaman ako ng NBI tom pero this time sa Tutuban na ako pupunta :) Aga ako gigising, goodluck to me!

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s