Touched Eh

Wala namang perpektong tao, yan ang pinaniniwalaan ko. Kahit gaano mukang “nasa kanya na ang lahat” meron at meron diyang isang bagay na kulang. Maaring sa pisikal, emosyonal o mental, kaibigan, minamahal o pamilya.
At sa almost perfect ? kong nobyo, e meron din namang pagkukulang. Hindi pa siya nakakapagtapos ng pagaaral niya. Dahil sa kamaliang nagawa niya noong nagaaral pa siya. Tinamad siya at tuluyang tumigil na. Hindi naman malaking bagay sa akin yun sa ngayon dahil alam kong marami pang paraan at pagkakataon para magtapos siya, at naniniwala ako ng buong puso sa kung ano ang kaya niyang gawin. Nanalig ako ng kapag inisip niyang gustuhin ang isang bagay ay magagawa niya ito. Ganun kalaki ang tiwala ko sa kanya.
Nung isang araw ay lumabas na ang resulta ng ALS. Yun yung exam na kinukuha na parang acceleration test para magkaron na siya ng diploma sa highschool at magcollege na. Hindi namin nakita ang pangalan niya. Siyempre, nalugmok siya, nalungkot at nanghina ng sobra. Matapos ang ilang araw, medyo down pa rin siya at pinagpasyahan na nga lang namin na kunin na lang niya ang dalawang huling taon niya sa highschool sa tamang paraan. Matagal man ang proseso ang mahalaga hindi ka susuko at titigil. At least, kahit matagal, umuusad ka naman. Diba? Siyempre nahihiya na rin siya dahil sa diperensya niya sa edad sa mga magiging kaklase niya, at naiintindihan ko siya. Hindi ko naman naranasan yun kaya hindi ko lubusang maiintindihan, pero isa lang ang sigurado ko, alam kong magiging okay din ang lahat at malalagpasan niya ang pangyayaring ito.
Bakit ko ba kinukwento ito sa inyo? Dahil ito dun sa paguusap namin kagabi.

A: Baby bibigay na ako. Pano pag bumigay ako?
C: …
C: Wala na akong magagawa kung yan ang maging desisyon mo. Kahit ano namang push ko sa iyo, nasa sayo parin ang huling desisyon.
A: Pag bumigay ako, lalayo na ako sayo. Hindi mo na ako makikita.
C: Pag nag give-up ka, parang ginive-up mo narin ako.
A: Bakit?
C: Alam mo naman kung ano ang gusto ko diba? Kung ano ang mga pangarap ko?
A: Oo alam ko.
C: Sige, ikaw ang bahala.
A: Gusto mo ba bumigay na ako?
C: Siraulo ka ba? Siyempre hindi! Ayoko.
A: Tingin mo ba basta-basta nalang ako bibigay? Hindi ko gagawin yun. Hindi kita basta basta hahayaang mawala. Kahit ano gagawin ko para sayo, para sakin, para sa atin. Kahit ano pang sabihin nila, wala akong pakialam. Kahit pa ano sabihin nila, basta ang alam ko, ako to. Mahal na mahal kita, hindi ako bibigay. Natakot ka ba?
C: Tarantado ka. Naiyak ako sa sinabi mo. Natakot ako syempre pero naluha ako nung narinig ko mga sinabi mo. I hate you! I love you baby..

At yun ang totoo, naluha talaga ako. Dahil nung mga oras na yun, nawawalan na ako ng idea kung paano ko pa papalakasin ang loob niya at sabihin sa kanyang magiging okay din ang lahat. Tapos magbibitaw siya ng mga ganung salita. Badtrip e, nasundot puso ko. Sana, sana nga tunay niyang nararamdaman ang mga bagay na yun at maging inspirasyon sa kanya ang relationship namin para mabigyan siya ng lakas para sa mga susunod pang pagsubok.
Darating din yan, naniniwala akong lalagpas din ito samin. Oras lang..

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s