Alay Lakad : Quiapo to Antipolo 2012

Antipolo Church

Grabe lang. Yun lang naman ang macocomment ko.
Sumama ako sa alay lakad na taon-taong ginagawa ni Alfred. Ito yung alay lakad na mula Quiapo hanggang sa Antipolo. Yes, tama ang pagkatype ko. Mula Quiapo hanggang Antipolo lang naman.
Nung April 30, 2012 yun. Inihatid namin yung rebulto ni Mama Mary sa Antipolo. Umalis kami ng 7pm at nakarating sa antipolo ng May 1, 2012, 3am. Lupet. Sa kahabaan ng Ortigas ko palang naramdaman yung sakit sa binti ko, at nung nasa Antipolo na kami sa pataas at pababa na kalsada, damang dama ko na talaga yung hapdi. May paltos narin ako sa talampakan nun, at paguwi eh hindi ko na matuwid ng maayos yung tuhod ko. O diba?  Pero siyempre, hindi mo dapat iniinda yung hirap at sakit.

Basta ang alam ko lang na magandang technique sa alay lakad eh,
1. Wag mo isipin kung nasaan ka na at gaano pa kalayo.
2. Wag ka inom ng inom, sapat lang para hindi ka ihi ng ihi.
3. Magdala ng madaming facetowel.
4. Magbaon ng t-shirt, bandaid at wetwipes.
5. Wag kumain masyado para hindi mabigat ang tyan.
Di naman ako masyado na bored, ikaw ba naman may kasamang clown na naka motolite? Haha :)
Masya naman ang aming paglalakad, nakakaaliw din kahit kaunti, nakakapagod talaga kung sa nakakapagod, pero hindi mo mapapansin kung hindi mo papansinin. Meron din kaming nadadaanan na mga mababait na namimigay ng libreng malamig na tubig. Meron ding hardcore na nakapaa habang naglalakad. Meron mga kala mo e sa rampahan at hindi sa alay lakad pupunta. May mga batang nasa stroller at mga batang maliliit na pinaglalakad talaga. Pero higit sa lahat meron din talagang mga siryoso sa alay lakad at nasa puso ang pinuntahan.

Anyway, wala naman akong rason kung bakit ako sumama dun maliban sa gusto ko maka experience ng mga bago at kakaibang bagay, lalo na’t kasama ko si Alfred dun. Hindi ako relihiyosa, kung kilala mo talaga ako alam mo yan. Hindi ako sumasamba sa mga rebulto o mga litrato ng kung sino-sinong santo. Dun kami nagkaiba ni Alfred. Wala pa naman akong balak iconvert sya sa paniniwala ko, at hindi ko din siya kinokontra sa kanya. Pero hindi ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya kung hindi ako makahanap ng magandang rason kung bakit kailangan gawin yun.
Hindi kami nag misa, kasi anong oras na rin kami makakauwi kung hihintayin pa namin yun. Nagdasal lang kami ng sabay dun sa loob ng simbahan. At ito ang nakakatuwang bagay, nung nagdadasal na kami, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. Yun ang isang bagay na nakatunaw sa puso ko, dahil maliban sa gusto ko din gawin yun, naunahan lang niya ako, eh alam ko kung ano ang pinagdadasal niya sa mga oras na yun. Yun din kasi ang pinagdadasal ko. Pasasalamat dahil pinakilala niya kami sa isa’t isa at hiling na sana, sana ito na. Habang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko ay humihigpit din ang hawak niya as puso kong matunaw-tunaw na sa tuwa. Pagtapos ng pagdadasal at pasasalamat kay Lord, lumabas na kami sa simbahan at naupo ng saglit. Tanong ko sa kanya, “Ilang babae na ba ang nadala mo dito?” “Uy, ikaw pa lang ah. Gusto ko kasi iparanas sayo yung mga hindi mo pa nararanasan at gusto ko ako yung kasama mo sa mga yun” Nagpasalamat pa siya sakin dahil daw sumama ako. Naalala ko pa nun, hindi pa kami nun nung niyaya niya ako sumama sa alay lakad na ito, kung saan sinagot ko siya ng “Hindi ko maipapangako” dahil yun naman din ang totoo. Matapos magkwentuhan at magpahinga pa ng kaunti, tumayo na rin kami para maghanap ng makakain. Merong mga tindahan ng almusal sa labas ng simbahan. Naupo kami sa mamihan at nag-almusal. Hindi ako nasarapan sa mami, pero ayos narin, pampainit ng tyan. Bumili kami ng Suman pasalubong at pagkatapos ay kinita ang tito niya para sabay-sabay nang umuwi. Sumakay kami ng jeep na pa-Cubao at nag sightseeing habang nasa jeep. Ang ganda ng mga ilaw ng tutulog-tulog na Manila. Kung nakahinto sana kami e maipapakita ko sa inyo ang mga nakita ko. Sa susunod na yun (pag naibalik na sakin yung iphone ko. Ahaha ) pag bumalik kami ulit para lang dun. Nakarating kami sa aming tahanan ng mga 6 at nagpahinga at nagkulitan ng kaunti. Papatulugin ko sana siya sa sofa namin hanggang 9 kaso hindi makatulog ang mokong kaya sinamahan ko na lang siya sa sala. Nung umidlip ako sa lap niya eh dun lang din siya nakaidlip. Pero umalis na rin siya ng 7 para daw deretcho na ang pahinga naming dalawa.
Sa ngayon e hindi pa ako fully recovered, pero pag naiisip ko ang lahat lahat ng nangyari e thankful talaga ako dahil nalaman kong kaya ko pala, at thankful ako na magkaron ng bagong karanasan.

 

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s