You and I

Cherry and Alfred, April 7, 2012

Habang tumatagal lumalalim ang samahan at nararamdaman ninyo para sa isa. Tipong hindi na kayo mapaghiwalay dahil bawat araw na pwede kayong magkita ay magkadikit kayo. Tapos kahit ilang oras pa yan, di parin yan sapat. Miss niyo parin ang isa’t isa pagkatapos. May text, may tawag may facebook chat pang kasama. Laman na siya ng puso mo, ng isip, facebook mo, album mo at blog mo. Yan, ganyan ulit ang drama namin ngayon. Sounds familiar sa puso kong nakalimot na kung paano na nga ba nagwowork ito. Pero eto ako, kami, balik sa square one. Ginagawa ang lahat ng makakabuti at iniiwasan ang lahat ng makakasama sa relationship namin. Siyempre may kanya-kanya na kaming experience at lessons na natutunan at dahil dun alam na namin ang gagawin kahit medyo nangangapa parin. One thing siguro na napasama sa sobrang ingat namin eh hindi (pa) namin magawang galitin ang isa’t isa. Yun lang ang reklamo ko sa kanya, yung kahit anong tampo or galit niya sinasabi niya “okay lang“. Mas gusto ko pa yung sabihin niya sakin na, “Tangina naman Cherry, date natin yun!” Pero naiintindihan ko din naman siya. Ano pa bang silbi nang ganong reaksyon kung wala naman din magagawa para mabago ang sitwasyon. At kahit pa magtampo siya o mgalit, e naiintindihan din naman niya kung bakit kailangang mangyari. Anyway, mas gusto ko parin yung alam kong affected siya. Though alam ko naman. Haha! Siyempre gusto ko manggaling sa kanya. Yung hindi laging “Okay lang“.
Kahit ganun man, as much as I can, pinapakita ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Pag galit ako o nagtatampo at nagtalo na rin kami once. Anyway, tulad ng lagi kong sinasabi sa kanya “darating din tayo jan”. Ang one day, I will look back sa mga times na ito, yung times na hindi kami nagtatalo. Alam ko darating din kami dun, sa part na magaaway na talaga kami. Kasi lahat naman dumadaan dun, at kinakatakutan ko yun. Na baka we aren’t as special as I thought. Na baka hindi naman pala kami different from other couples. Anyway, deep in my heart I believe na iba kami sa iba. And I hope, tama ako.
Speaking of future expectations, sabi ko sa kapatid ko kanina,
“Bakit ganun, nung hindi pa kami ni Alfred, yung  5 months lumipad lang. Hindi ko napansin. Bakit ngayon, parang ang bagal ng oras” 

Iniwan niyang note sa phone ko.

Iniisp ko na it’s something bad. Na baka may mali. Baka nagkamali kami ng desisyon na gawing kaming official. Tapos sagot ng kapatid ko,
“Siyempre, excited ka eh. Gusto mong tumagal kayo”
Tapos narealize ko, oo nga. Kasi diba kapag excited kang mangyari ang isang bagay hindi ka makapaghintay. Kaya ako natatagalan sa oras. Yun yung reason kasi I can’t wait na makasama siya sa buhay ko ng matagal na panahon.
Sabi ko sa kapatid kong ever-reliable-sa-mga-usaping-puso-kahit-14-palang-siya:
When did you become so smart?”
Anyway, everything is so fresh and new. Tipong bagong biling cellphone na ingat na ingat mailaglag. At nakakatakot. Alam ko naiintindihan mo to. I hope I won’t fuck this up by being either too protective or too loose.

Let’s do this baby. You and I.


I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s