Mark Your Calendars

Handa na ba kayo sa isang balitang pangkalawakan?

Kami na po ni Alfred ☺


Kulit lang e noh? Parang yung huling post ko lang tungkol dun tapos yun na pala yun. Ha? Anu daw? Ang gulo :)) Anyway, paano ko ba sisimulan.

Kasi, nagdasal ako. Sabi ko, “Lord, pahingi ng sign. Ganito, pag inabutan ako ng Alfred ng kahit anong bagay na may bulaklak, totoo man o drawing o laruan o design o khit pa anong bagay, sasagutin ko siya sa araw na yun agad-agad!”

So nung Linggo, March 18, 2012, nagpunta kami sa Pampangga kasama ang mga college friends ko. Before kami magkita-kita, nasa jeep kami ni Alfred papuntang Recto nang biglang sinabi ko, “Asan yung panyo mo, mausok.” bigla niyang kinuha ang bimpo niya at binigay sa akin. Sabi ko, “Bat binigay mo sakin, sayo ko nga pinapagamit. May panyo ako” At pinasok ko ang bimpo sa bag ko.

Nang nasa bus na kami, bigla akong napaisip at kinabahan. Hinugot ko ang bimpo sa aking bag at ininspeksyon. Ayun na nga, may design na isang bulaklak sa sulok.
Siyempre kinabahan ako, natuwa, nalito at natakot. Biruin mo, bago matapos ang araw na iyon, may nobyo na ako? Tatlong taon ang nakalipas, tapos may nobyo na ako. Ilang lalaki din ang sumubok at nabigo akong paibigin, ilang landian, fling at special friends ang dumaan. Tapos nung araw na yun, may nobyo na ako. Agad-agad!

Inisip ko ng maigi. Baka naman unconsciously staged ang pangyayari. Pero imposible kong lokohin ang sarili ko nun e, kasi maalikabok talaga nun, di ko naman alam na may design na bulaklak yun at hindi ko naman hiniram para iabot niya sakin.

Hinayaan kong dumaan ang araw at hindi ko sinabi sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin :) Kung mahirap mambasted, mas mahirap pala ang sumagot basta-basta nang hindi naman tinatanong. So sabi ko sa kanya, may sasabihin ako sa kanya. Tinititigan ko siya sa mata at sabay ngiti. Aba, kinikilig ang loko :’) Natatawa tuloy ako!
So sinimulan ko sa “Kasi, nagdasal ako…”

So ayun, past 11 ng March 18, 2012 naging si Cherry at si Alfred.
Tanong ko sa kanya, bat ka natatawa? Hindi ko pa nga sinasabi yung sasabihin ko kanina. Kinutuban na daw siya. Halimaw! Feeling nya naman! Ehe, totoo naman pala ang kutob :) Sabi niya pa, “Sa bus mo pa talaga ako sinagot” Sabi ko naman. “Para maiba naman, diba?”
Totoo naman ah, para exciting! Kakaiba diba?:D
Saya nga nun sa bus e, habang may mga nakatayo (at maingay) na pasahero sa tabi namin dahil puno na yung bus e kaming dalawa naman e sobrang keso sa tabi. Kung makaupo parang nasa sala lang teh?

Eto pa malala, past 12 na ako nakarating ng bahay, nung gabi ding iyon bago ako matulog e pinalitan ko na ang status ko. Lupet diba, tagal ko hinintay yun! At ewan ko, di ko alam kung dahil ba sa matagal na akong single, kaya hindi ko na kabisado ang kalakaran kapag nagpapalit ng relationship status pero namangha talaga ako kung bakit maraming naglike. Dahil ba naisip nilang “Sa wakas! Nakapili ka din!” o di kaya naisip nilang “Oh slut nakuntento ka rin”. Joke lang. Hindi ko lang din kasi alam kung matutuwa ako o hindi eh :) Pero syempre natuwa ako. Dami ngang nagtext sakin ng congrats eh. Di ko din alam kumbaket. Pero natuwa talaga ako kasi parang happy sila dahil happy ako. Ayiii :)
Masyado ba akong naging matagal na single na natuwa silang meron na akong (first) boyfriend, finally?

Boyfriend.
Such a foreign word for me.

Boyfriend :)
Sarap :D

Okay, so there.

Samantala, sa ibang ulo ng mga balita,

– I’m freaking out.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s