Minsang Nangarap

Kanina, nagkita kami ni Alfred. May sipon ako nun kaya natulog lng ako habang nanunuod siya ng Titanic sa laptop. Nakadapa siya, tapos nakayakap lng ako sa kanya. Minsan, siya naman ang nakayakap sakin. Hinihimas niya yung buhok ko, minamasahe nya ang ulo at noo ko at pinapatulog ako. Tapos ako naman, kung hindi sumisinghot, bumabahing. Masama talaga ang pakiramdam ko nun.
Ang sarap sa pakiramdam na manahimik lang kayo ng ganun sa isang tabi. Yung dumadaan yung oras na kasama mo yung taong mahal mo kahit pa di man kayo magusap, magkulitan o magtawanan, basta’t magkasama lang kayo. Tahimik, malamig, komportable at masarap sa pakiramdam.

Nakaidlip na ako at nagising nang matapos ang pinapanuod niya. Matapos ang walang humpay na kulitan, biglang sumiryoso ang paguusap namin bandang hapon. Nagusap ng mga plano niya at plano ko sa buhay. Yung mga pangarap kong gusto ko matupad at ang mga takot at pangarap niya din. At pati na rin ang mga pangarap namin. Oo, nagawa ko na dati ang mangarap, pero this time, nangarap ako ng nakadilat ang mata at hindi sa sarili ko lang na mundo. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga dapat ko pang gawin bago ko matupad ang mga pangarap ko para sa sarili ko. Marami pa akong lilingunin ulit at tutulungan, lalo na yung lahat ng mga tumulong sa akin on the way. Marami din kaming napagusapan at pinlano. Parang mga batang walang muang na nangangarap kung ano ang gusto nila paglaki nila. Nakakatuwa lang ☺ Biruin mo yun, ang dami na naming gustong itayong business “pagdating ng araw”, e hindi pa nga kami? :D Pero siryoso, napapangiti yung puso ko pag naaalala ko yung moment na yun at yung ningning sa mga mata niya habang nagsasalita  ☺
Nung pauwi na kami, sa taxi, nalungkot ako ng sobra. Maliban sa dahil isang linggo nanaman bago kami magtagpo ulit ay dahil na rin sa fact na walang kasiguraduhang magiging kami din sa huli. Sabi ko, sana sa akin na lang siya. Never ko naman hiniling kay Lord na sana kami na lang nung taong mahal ko ng mga oras na yon e. Siyempre mas gusto ko pa rin yung taong ginawa niya talaga para sa akin. Pero kung ako man ang tatanungin, gusto ko na si Alfred. Nakikita ko sa kanya ang mga bagay na hinahanap ko. Hindi man siya nakakapagtapos pa, nasakanya yung mga bagay na mas importante sa isang tao. Yung personalidad, pananaw at mabuting kalooban. Yung pagaaral, kahit matanda ka, kahit paulit-ulit kahit kailan pwede mo makuha yan eh. Ang mabuting puso, hindi yan napagaaralan, hindi yan natututunan. Yan ang sa tingin ko. Oras lang ang aabutin, pero kung yun ang kailangan, hindi ako magdadalawang isip na hintayin yun.

Naisip ko, nakakatuwa na baka sa paglipas ng buwan at taon iba na ang sinusulat ko tungkol sa amin.
Tara’t subaybayan ang susunod na mga kabanata ng aking lovelife.
Ahaha ☺

Reese’s and Kisses,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s