Tsinelas

Naalala mo yung kwento ko tungkol dun sa maharot kong kaibigan na may girlfriend? Well. Siyempre hindi ko siya ginagatungan, pero grabe talaga siya. Alam mo yung magaling siyang magpacute sayo at magparamdam na gusto ka niya. Pero siyempre alam kong maharot lang talaga siya sa mga babae. Edi binuksan ko yung fb niya at tinignan ko kung bat siya ganon. Malungkot ba siya, magkaaway ba sila ano ba ang meron at gusto niya ng atensyon? Ang siste, e wala naman silang problema at pagkatagal, tagal, tagal na pala nila. Tapos bigla akong nalungkot…

HINDE! Hindi dahil sa matagal na sila!:D
Natuwa ako kasi ang cute nilang dalawa at sweet, tapos nalungkot ako bigla. Kasi nainggit ako. Ang sarap ng feeling nga ganun eh. Namiss ko yung pakiramdam na ganun. Yung tipong sobrang kampante niyo na sa isa’t isa na parang lahat na ata ng lahat ng bagay tungkol sa isa’t isa alam niyo na. Yung kahit anong mangyare alam mo at alam mong may isang taong sasalo sayo, matatakbuhan ka at malalapitan ka. Oo, alam ko namang meron din akong ganun ngayon, yung taong nandyan. Pero iba pa rin yung pakiramdam na meron kayong sariling “inyo”. Di mo maintindihan yung ibig kong iparating ano? Hindi ko din kasi mapaliwanag kung ano yung nararamdaman ko.

Namiss ko yung feeling na nasa loob ka ng isang relationship tapos nagmamahalan lang kayo ng nagmamahalan at hindi niyo namamalayan na tumatakbo ang mga araw at lumalalim na pala yung pagsasama niyo.
Yung feeling na kahit magaway kayo alam niyo sa mga sarili niyo na gusto niyo parin magkabati sa huli at magkaayos.
Yung kabisado niyo kahit pa anino ng bawat isa. Yung matutulog ka at gigising kinabukasan na alam mong may nagmamahal sayo ng lubos.

Alam mo ba yung kwento ng tsinelas?
Tipong para kang nasa loob ng department store na napapalibutan ng magagandang sapatos na gusto mo. Kahit ilan pwede mong sukatin, kahit ano pwede mong bilhin. Pero gamitin mo man ang pinakamaganda at pinakamahal na sapatos sa balat ng lupa, paguwi at paguwi mo sa bahay, hahanapin mo pa rin yung tsinelas mo.

Alam mo na yung pakiramdam?
Yung pakiramdam na may isang tao na pag nakasama mo, masasabi mong “I’m home”.

Namimiss ko na yung feeling na may tsinelas.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s