Mind Over Matter

– Tingin ko hindi naman kailangan na meron kayong relasyon o koneksyon para masabing pwede kang makaramdam ng selos sa isang tao. Wala naman kasi itong koneksyon sa kung meron kayong meron o wala e.
Isa itong emosyon na natural na nararamdaman ng isang tao katulad ng kasiyahan o kalungkutan o galit. Hindi kailangan ng permiso, sadyang mararamdaman mo lang. Ang pagkakaiba nga lang nito ay hindi ka pwede magreact dahil sa pagseselos mo. Pwede mo lang itong maramdaman.
Wala namang koneksyon talaga ito sa gusto kong iblog, nakita ko lang ito na nakakalat sa facebook timeline ko at bigla ko itong naisip.

– Duty sa pedia ward ng hospital ay extremely boring. Dahil kasi ito kakaunti ang pasyente at walang masyadong ginagawa. Pero masaya naman kapag kinakausap mo sila, yun nga lang I admit kailangan ko pa ng practice dahil hindi ko din talaga alam kung paano makipag kulitan sa mga bata at makuha ang loob nila. I’m not good with kids. -_-

– Masaya ako kapag nakikita kong merong mga iba’t ibang tao galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang biglang napapadpad sa blog ko. Yun lang :) Happy!:D

– Meron akong isang friend, na may gf, na tingin ko ay masyadong sweet sa akin. Sinabi ko na sa kanya na baka magalit ang gf nya pag nabasa ang kanyang mga text pero according to him, friends lang naman daw kami at wala namang masama. So sinabi ko, sadya lang pala siyang sweet sa mga babae. But still, ayokong magtuloy  ang aming pagkukulitan kasi bilang babae, alam ko kung paano tumakbo ang utak ng mga babae. Ayokong magselos siya sa wala diba? At isa pa, sabi nila, mas madali daw hulihin ang manok pag nakatali. Hmm?

– Sobra na ata ang pagkamiss ko kay bait. Wala atang oras na hindi ko siya iniisip? Haha. Kailangan ko pa siyang tanggalin sa utak ko consciously kapag nasa duty para makapagfocus. Nakakloka.
Kagabi, sinabi niya sakin na isa lang naman daw ang kinakatakot niya. Yung makakilala ako ng iba at biglang mawala na lang sakin yung 5 buwan niyang paghihintay. I guess, kasama yun sa risk nung pinayagan niya ang puso niyang mahulog sa akin. At kung tutuusin, yun din naman ang takot ko sa kanya.
Naglalakad kami sa night market nung linggo sabay nakasalubong namin yung ex niya. Twice daw. Hindi ko naman nakita malamang dahil sinabi niya sakin yun nung lumagpas na. Anyway napunta kami sa usapang sinimulan ko sa “Sino sa mga ex mo ang pinakamaganda?” Tapos sumagot siya. Sabay dinagdagan ng “Pero yung pinakasexy si ano..” Nampucha. Edi dinuktungan ko nalang ng “E sino pinakamabait?” Sabi niya, wala daw. Naisip ko, o sige, pwede dun nalang ako sa category na yun? At least may place ako kahit kahit papano.
Drama ko lang? Wala. Gusto kong malaman, pero para akong tanga na nagseselos at nasasaktan sa isang past.
Teka, may unconscious reason pala yung unang pinost ko dun sa taas. Haha.
ANYWAY. Ayun na nga. Ewan ko, siguro in a small way, makirot na once in his life, nagkagusto, nagkaron ng pagnanasa at minahal niya ang mga babaeng yun. Kahit pa ako na ang nandito ngayon na inaalayan niya ng araw at oras at effort, makirot pa rin.

Unreasonable ba?
Unreasonable no?
Oo eh.

Hay. It’s 9:32pm
Off to bed.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s