Ganito ang Ichura ng Masaya

Ganito nga siguro talaga ang inlove. Gusto niyo bawat oras magkasama kayo at kahit wala pang isang minuto ang lumilipas – actually hindi pa nga kayo naghihiwalay eh – eh miss niyo na agad ang isa’t isa at inaasam na ang oras ng muling pagkikita.

Kakagaling ko lang sa despedida party ni ate Salen, ang sister ni Aped, dahil babalik na siya sa Japan sa Monday. As usual, super ligalig doon at masaya. Naginuman, kwentuhan at kantahan. At ngayon ngang asa bahay na ako at hinatid niya, nalungkot naman ako ng bongga dahil kahit kalahating araw na kaming magkasama ay bitin pa rin. Miss ko na agad siya. At dahil diyan, mag popost ako ng isang malupit na love blog.
Get ready maumay.
Game?

Si Aped. Bakit ko nga ba mahal tong mokong na to? Kung tutuusin sabay namin nagustuhan ang isa’t isa, buti nalang matapang siya at gumawa ng move ano?! Si Aped, mabait yan. Sobrang bait. Maliban sa nakikita ng dalawang mata ko, marami na rin ang nagsasabi sakin. Super sweet din nyan. Lalo na’t kapag feel niyang maglambing. Malambing yan di lang sa babaeng gusto niya kundi pati sa pamilya niya. Mukang babaero, at oo ilang beses narin siya nagpalit bago pa man niya ako nakilala pero once nahulog (ehem), stick to one. Sobra din to makaeffort, at hindi siya nahihiya o natatakot na iparamdam, ipakita o sabihin ang nararamdaman niya. Positibo man ito o Negatibo. Matampuhin! Jusmiyo, sobrang matampuhin. Magiiba nalang bigla ang boses niyan o ang expression ng mukha, nagpapalambing yan. Pero pag totoong nagtatampo siya, as in hindi lang nagpapalambing, malalaman mo din. Nagiging firm ang boses niya at hindi ka titignan sa mata. Walang lambing-lambing at maikli lang ang mga sasabihin niya sayo. Once ko pa lang naman siya nakitang ganun. Yun yung aalis sana kami kasama yung mga ate niya, kaso nahiya na ako bigla kasi sisikip na sa sasakyan kaya hindi na ako tumuloy. Yun. Bonggang tampo yun.
Sobrang mapagmahal yan si Aped, maaalalahanin at understanding. Straight to the point at honest. Masyahin, sobrang kwela at kalog at madaldal. At syempre, hindi ko naman ipagkakaila na sa ichura naman talaga nakukuha ang initial attraction. Pero kung ikukumpara ang mga traits niya sa ichura niya, promise, bonus nalang talaga na cute siya.

Darating ka sa puntong makikita mo siya bilang tao at hindi bilang anghel na perpekto. At doon sa mga pagkukulang niya at pagkakamali, doon mo malalaman kung mahal mo siyang talaga, dahil sa kabila ng lahat, matatanggap mo parin siya. Nagkatampuhan kami nito lang nakaraan, dahil yun sa lagi kong sinasabi sa kanya na ayoko ng pinaghihintay ako ng reply. Ayos lang naman kung may iba siyang ginagawa dahil hindi naman lahat ng oras kailangan sakin ang oras niya. Hindi naman ako madamot sa oras. Ang sakin lang, gusto ko lang malaman na magiging busy pala siya ng ilang oras para hindi ako nagaalala at naghihintay. So as usual, ginawa nanaman niya. Tinulugan ko na siya nun actually, pero syempre tumawag siya. Dahil may topak na ako nun, hindi na talaga ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko talaga sa kanya ang nararamdaman ko at iniisip ko. At dun, kahit pa anong lambing niya, talagang hindi ko siya pinapalusot. Minsan kasi diba parang hahayaan mo nalang, para wag na lang lumaki pa. Kasi ayaw mo naman talaga makipagaway.
Ni hindi ko na nga inintindi yung “walang karapatan” eh. Talagang wala na ako sa mood at wala na ako pakialam nun. Hanggang sinabi ko sa kanya na masyado pang maaga para magsawa ako sa mga bagay bagay. At kaya ako nagtatampo nun dahil may pakialam pa ako, at wag niyang hintayin na wala na akong pagtatampo dahil ang ibig sabihin nun, wala na rin ako pakialam sa kanya.
Hanggang sa nauwi kami sa desisyon na itigil nalang namin ang lahat, at ayun na nga. Nawala na siya sakin ng tuluyan..
Joke. Hindi yun yung ending!
Hanggang sa sinabi niyang “Sorry na, wag nang ganyan yan oh. Ayokong ganito tayo eh” At sa gitna ng pagkairita ko nun ay napangiti ako ng pasikreto. Kasi ang sarap pala pakinggan sa isang taong mahal mo na ayaw niya nang makipagaway. Kasi minsan, sa sobrang kainisan mo nalilimutan mo nang bumaba eh. At nadiskubre ko nanaman sa kanya ang isang ugaling hinahanap ko sa taong mamahalin ko. Yung pag dumating sa isang punto, kaya niyang kalimutan yung pride niya. Yung sa mga panahon na hindi ko kayang tumahimik, kaya niya.Yung mga panahong naiinis ako kaya niyang biglang iturn off yun. Sabi ko sa kanya, tawag siya ulit after 5 minutes. Tapos binaba na namin ang phone. Nag internalize muna ako, huminga at nagregroup. Tapos tumawag siya ulit at okay na ako nun, nagusap na kami ng maayos at tuluyan na kami nagkabati.

Mahal ko yun e. Mahal na mahal ko siya na dumadating na sa point na kaya kong gumawa ng imposible para sa kanya. Pero mga bata pa kami talaga at hindi dapat madaliin ang mga bagay-bagay. At kahit meron pa kaming sariling mga bakod at kadena kaya sobrang bihira lang kaming magkita, masaya parin ako sa mga sandaling yun. Kahit na may kapalit yun na bawi kapag uwian na, ayos lang. Hindi ko parin ipagpapalit.
Habang napapamahal tayo sa isang tao, lalong tumataas yung risk na masaktan tayo. Given na yan at hindi na dapat pang ikagulat. At yun ang kinakatakot ko. Alam ko naman na one day, mawawala din siya sakin. Darating yung araw na yun, alam ko. Hindi sa hinhintay ko, pero alam ko parang time bomb lang yan. Kaya bawat oras na kasama ko siya, dinadama ko talaga. Gumagawa ako ng memory sa utak ko. Ano yung feeling na katabi ko siya, yung amoy ng pabango niya, at yung magkahawak naming kamay. At tuwing titignan ko yung litrato namin, napapangiti ako ng isang malungkot na ngiti. Yung puso ko sumasaya pero at the same time, natatakot sa pagdating ng araw na bawiin na muli siya sakin.
Ayoko na munang isipin yun. Kahit sa likod ng utak ko, lagi kong kinakatakutan yun.
Parte na siya ng sistema ko, kumbaga sa halaman ng ampalaya, gumapang na siya sa pagkatao ko at mahirap na siyang dahan-dahan tanggalin.

Malapit ko nang malaman ang kasagutan sa tanong niya. Meron nalang akong isang bagay na hinihintay..:)

Reese’s and Kisses,
Cerrise

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s