I See You

Almost 3rd month na ng training ko, konti nalang bum nanaman ulit. Nagrotate kami sa ICU last week, 4 days lang kami dun pero hands on sa lahat ng kailangan gawin at iisa lang ang patient. Sa dalawang araw ko sa ICU, naging patient ko itong si lolo. 82 years old na siya. Meron siyang NGT, isang tubo sa ilong na daanan naman ng mala-gatas niyang pagkain araw-araw. Intubated din siya kaya may tubo siya sa bibig na nakakabit sa mechanical ventilator para tulungan siyang makahinga. Meron siyang IV line na daanan ng dagdag na tubig at ibang gamot na nakakabit sa kanyang kamay at may catheter siya na daanan ng kanyang ihi. Hindi gaanong makakilos, mahina at nakatali ang mga kamay sa kama dahil lagi niyang hinuhugot ang mga tubo niya sa katawan. Unang pasok ko palang sa kwarto, alam kong magiging paborito ko na siya kaagad.
Simple lang naman ang trabaho ko kay lolo, maliban siya routine assessment, kailangan ko lang ibigay ang mga dinurog na gamot niya sa oras, kunin ang kanyang blood sugar, pakainin siya mula sa tubo sa kanyang ilong, i-suction ang mga secretions niya na sobrang dami at lapot, i-drain ang ihi niya kada oras, itagilid siya kada ilang oras, Siguraduhing nasa oras ang takbo ng kanyang IV at panatilihin siyang malinis at kumportable. Kung tutuusin, simple lang ang mga yun dahil ayoko din naman ng walang ginagawa. Nakakamulat din naman siya ng mata, tumatango pag tinatanong at sumusunod sa ipapagawa sa kanya. Hindi siya comatosed pero hindi rin siya nakakapagsalita dahil nga sa tubo niya sa bibig, pero kinakausap ko pa rin siya tuwing may ginagawa ako sa bedside. Doon ko rin nagawa ang matagal ko nang trip gawin. Ang kantahan ang mga pasyente ko. Haha! Pag magpapakain ako sa kanya, or may ginagawa akong hindi naman gaanong kailangn ng concentration, kumakanta ako or minsan ng hhum lang para medyo malibang ko si lolo at ang sarili ko. Ang nakakapukaw lang talaga sa puso ko ay yung pag minsan ay nakikita ko siyang hirap na dahil ang dami nanamang secretions sa bibig at para siyang nalulunod dahil hindi naman niya ito malunok o mailuwa. Ako naman, mula sa labas ng kwarto ay dali-daling pupunta at ihahanda ang kanyang pang-suction. Ilang bote na ng Dr. Edwards ang nagagamit ko – isa itong bote ng sterile water na kailangang itapon bawat suction, nakakahinayang pero kailangan. Pagkatapos, lilinisan ko ang bibig niya gamit ang isang gasa at Bactidol at papahiran ng petroleum jelly ang kanyang labi. Minsan pa, pupunasan ko rin ang mga mata niya dahil nakikita kong lumuluha siya, maaring dahil nahihirapan na siya o dahil sa dahilang gusto kong paniwalaan: na nattouch siya sa pagaalaga ko. Haha!
At sinasabi ko sa inyo, wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na makita mong makakatulog na ulit siya ng tahimik dahil kahit kaunti, guminhawa yung pakiramdam niya dahil sa mga ginawa mo. Tingin ko yun ang gusto ko, yung dumaan nanaman ang isang buong araw sa buhay ng pasyente mong hirap na hirap na at sawang sawa na sa ospital, pero nandun ka para gawing maginhawa ang pakiramdam niya sa abot ng makakaya mo at ibigay sa kanya ang pag-aalagang kailangan niya. Di ba masarap?

Minsan ko nang narinig na kapag daw meron kang pasyente lagi mo siyang tratuhin na parang lolo mo, tita mo o kapatid mo. Masaya siyang gawin pero madalas ayoko. Mababaw kasi ang luha ko at malakas ang imagination ko. Masyado akong naattach at hindi therapeutic ang empathy sa mundo ng nursing. Pero kapag nagdadasal ako, lalo na pag papasok na sa duty, lagi kong pinagdarasal na maging instrumento sana ako ng Diyos para ipakalat pa sa ibang tao ang pagmamahal niya. Na sana maging isa akong effective na nurse sa mga pasyente ko sa araw na iyon at matulungan ko sila sa mga pangangailangan nila.
Tingin ko ito na yun e. Dito ko magagampanan yun. Quality vs. Qunatitiy ang labanan, pero pakiramdam ko, dito ako magiging masaya.

Pagtapos ng apat na araw at bumalik na ako sa ward, namiss ko ang ICU. Kapag nasa ward ka lang kasi, busy nga pero busy ka sa nurse’s station at hindi ka masyado makapagtagal sa bedside. Tingin ko mas gusto ko na talaga maging ICU nurse. Toxic man dun minsan, kapag stable naman na ang mga pasyente marami kang oras para sa kanila at matututukan mo sila. Hindi kailangan magmadali dahil walang apat pang pasyenteng naghihintay sayo.

Tingin ko, sobra akong blessed dahil binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na makapasok sa ganitong propesyon at maibigay ang sarili ko ng ganito para sa mga may sakit. Sana, dumating na rin ang panahon ko para maging permanente nang nagtatrabaho sa isang ospital para matupad ko na ang mga pangarap ko.
Akala ko dati, gusto ko lang ng dolyares kaya ako nag nurse pero malalaman mo rin naman pala talaga kung para ka dito. At masaya ako ngayon dahil hindi na ako disappointed sa sarili ko. Ginusto ko ito at ginusto ito para sakin dahil dito ako nararapat, dito ako magiging masaya at dito ako makakapagpasaya pa ng iba. Dito ang lugar ko.

Your future nurse,

Cerrise

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s