Unofficially Ours

Di ko naman pwedeng itanong sayo kung bakit hindi mo sinabi kasi diba..wala naman akong karapatan
– Mackie, Unofficially Yours.

Kakapanuod lang namin niyan kagabi, siyempre kasama ko ang kilalang kilala niyo na na si Alfred, ang aking unofficially mine.
Well, all in all maganda yung movie. Siyempre si John Lloyd ata yung bida dun, diba? At malamang sa malamang eh marami ang nakarelate, dahil sa ngayon, ang dami ko na rin kilalang ganyan ang relationship status. Tamang landian, M.U., Malabong Usapan, Malagkit na Ugnayan, Unofficial, Pirma nalang ang kulang.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyayari sa earth, pero siguro ang isang teyorya ko e dahil lang naman ito sa kadahilanang ang mga kakilala ko rin na ganito ay pare-parehong nasasakop sa age range ng 18-25. Ang edad kung saan, maaring nagmahal na sila noon ng kani-kanilang mga first love, at akala nilang yun na. Kaya nung nasaktan sila nang wagas, ayun, natakot na magmahal muli kaya nagssettle ngayon sa ganyang status. At ang isang dahilan naman ay yun career. Sa ganyang edad e unti-unti nang nilalamon ng career ang ating oras at enerhiya para idagdag pa ang relasyon sa equation. Madalas, pinipili ng mga tao na ituon nalang ang oras at panahon sa pagakyat sa kanyang career ladder, kesa sa pag-ibig. Dahil sabi nga nila, ang pag-ibig, andyan lang yan.

Ako ba? Ano ba ang rason ko? Arte lang, para masaya. haha ☺
Hindi naman. Yung unang reason na sinabi ko, siguro yun yung rason ko noon. Yung masarap maging single kasi walang sakit sa ulo. Tapos partly yun ding pangalawang reason na sinabi ko, yung career. Gusto ko kais pag kailangn ko nang umalis at lumipat sa ibang lugar hindi ako nakatali dahil ayokong may maiwan.
Pero siyempre, lokohan nalang kung sabihin kong yun pa rin ang rason ko hanggang ngayon. Dahil una, kinakaya ko pa namang ibalance ang oras ko sa aking training at sa oras ko para sa kanya at oras ko para sa iba pang mga bagay. At pangalawa, masakit narin naman siya sa ulo anyway.
So bakit nga? Iba-iba naman kasi ang sitwasyson ng bawat taong pumapasok sa ganitong magulo at walang kasiguraduhan na relasyon. Ang rason ko ngayon, though masyadong personal para ibahagi sa internet, eh sabihin nalang nating kumplikado. Haha ang gulo! Hindi, kasi ang maisasagot ko nalang dyan eh darating din ang tamang oras para sa lahat ng mga bagay. Ako na ang taong nililigawan na ako din ang naghihintay sa kanya. Labo diba? Pero ganun talaga. Pero dahil nga ganito ang sitwayson namin ngayon, hindi parin namin sinasayang ang bawat pagkakataon. Tntreasure parin namin ang bawat oras dahil nga naman hindi natin masasabi kung hanggang kailan nalang ang lahat ng ito. Diba? Ganun naman lagi e, kayo o hindi kayo, may isang araw na turning point ng lahat ng mga bagay.

Tapos nun ay kumain kami at pagkatapos nga ay tuluyan nang umuwi. At hindi ko alam kung bakit pero kagabi, dun ko lang ata siya na-miss ng ganun. Yung tipong, bitin na bitin yung oras na magkasama kami, kung pwede ko lang itigi yung oras na magkasama kami ginawa ko na, kahit 30 minutes lang. Pag inisip kong next week nanaman kami magkikita eh nakakapanghina. Biruin mo, 4-6 times a month lang kami magkita?
Malungkot talaga. Pero wala eh. Pero bawat linggong dumadaan, doon namin natetest kung hanggang saan kaya ang kakayanin naming dalawa. Hanggang kailan namin kaya maghintay, magtiis at umasa sa bukas na hindi namin alam kung darating pa..
Chos.

At sa aking paggising kaninang umaga, eto lang naman ang nakita ko sa facebook

Wala natuwa lang ako ☺
Ganito lang yan, yung saming dalawa, magulo man, kami lang ang nakakaintindi ng kaguluhan niyan. Kumbaga, untouchable, kami lang ang pwede magsabi kung magulo nga ito, at kami lang ang pwede magsabing hindi ito eepekto. Dahil sa huli, amin naman ang pusong ito. Amin ang pag-iibigang ito. Kumbaga, Unofficially Ours.. ☺
Reese’s and Kisses,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s