Flight of Ideas

Dahil wala kaming internet ngayon, andito ako sa rooftop, nakahiga katapat ng mga bituin at nagbblog gamit ang notepad. Actually, ang dami kong gustong isulat sana noong mga nakaraang araw kaso naiisip ko yun habang nasa duty ako, kundi naman naglalakad o nasa bus. At ngayong may oras ako para manahimik at magisip, as usual, wala na silang muli.


“Ikaw lang ang hinihintay kong nurse eh” yan ang sabi sakin nung bantay ng patient ko last time. Actually may kwento yan, si lolo ang pasyente ko at si lola na asawa nya ang nagbabantay sa kanya. Ang sweet sweet nga nila eh. Actually halos lahat ng patient ko gaun. Napapalibutan ako ng mga magaasawa, matanda o may edad na, na nagmamahalan. One time narinig ko pa si lola habang sinusubuan si lolo ng dinner niya.. “Ayan, bawal ka sa masabaw. Mahilig ka sa nilaga, mamamatay ka..” naglalambingan pa sila minsan at nagkukulitan. Nakakatuwa talaga :)
So ayun na nga, yun ang sabi niya sakin. At sa totoo lang eh nakakataba talaga ng puso. Nakakatanggal ng pagod yung pagka nalalaman mong may ginagawa ka palang tama sa kanila at nakakatulong ka rin pala sa kanila in some ways. Kahit maliit, kahit hindi madalas, natutuwa parin sila sa ginagawa mo.

One time late na ako pumasok. Kapag kasi normal na araw hindi ako sumasakay sa dulong part ng MRT, hinihintay ko yung next train. So this time, sumakay na ako dahil wala na akong time maginarte. Edi puro lalaki at onting babae yung nandun. Ayos pa naman dahil hindi pa masikip, kaya hindi masyado nakakatakot. Tapos may lolo na nakaupo, tumayo siya sabi nya dun sa katapat niyang babae, “sige miss upo ka na”, syempre tumanggi si girl, sabi ni lolo “hindi sige gentleman ako eh” sabay ngiti. Tumayo na ng tuluyan si lolo at umupo nalang at nagpasalamat ang babae. Nahiya siguro ang iba sa ginawa ni lolo kaya tumayo narin yung asa harapan ko at pinaupo ako. Yey!:) ang sarap pala dun sa dulo ng MRT sumakay, di tulad sa harapan kapag nakatayo ka pumasok, malamang sa Cubao ka pa makakaupo. Habang nakaupo ako, may babaeng nag offer kay lolo ng upuan niya, si lolo naman tumanggi at sinabing “okay lang, malapit na ako”. Pero binantayan ko si lolo at 3-4 stations pa bago siya bumaba. Kakatuwa si lolo, gentleman na tunay. Dapat ay gayahin siya ng mga kalalakihan ngayon. Yung mga makabagong kalalakihang ni hindi magawang mapagbuksan ka ng pinto o mahila yung upuan mo pag kakain kayo. O simpleng i-give up ang upuan niya sa MRT o ang kalahati ng upuan niya sa jeep para sa babae at matatanda. Sana lang ay napicturan ko si lolo, nakakahiya lang kasi :)
Sana marami pa ang maging katulad niya.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s