Kahon

Tagal naka tengga ng post na ito sa drafts ko. Hindi ko na matandaan kung bakit may title itong kahon. Ang alam ko lang, ayan yung inupload niyang picture sa facebook. A & C. Pangalan namin malamang :) At maliban dun, nagbabatian kami kapag 9. Kasi nga, 9 yung date nung nagsimula kami magusap. Anyway, hindi ko na din matandaan kung bakit kahon :)

Kahapon, Feb. 14, 2012. Araw ng mga puso. Siyempre may duty ako nun, pero free ako after 2pm. Kahapon din 1st death anniversary ng lola niya. Dun ako nagpunta. So imaginin mo nalang kung ilang tao ang nandoon. Sangines at Guinto clan nandoon. Pati yung mga tita niya at ate niya na umuwi galing Japan ay nakilala ko na rin. Ang daming tao, magulo at maingay. In short, masaya talaga dun. Kumain kami at uminom kasama ng mga kabarkada niyang medyo nagiging close ko na rin. Wala akong chocolates o flowers na natanggap kahapon, pero yung fact na sinama niya ako sa isang malakihang family reunion e nakakataba ng puso; At never naman akong naging materialistic na tao. Ang totoo masaya ako na kasama siya nung araw na yun. Binigyan ko siya ng makulit na letter bilang remembrance sa unang Valentine’s namin together. At kahapon ako nagsimulang magisip kung sasagutin ko ba siya para maging full-time boyfriend ko, O babastedin para maging isang lesson sa buhay ko. Actually, hindi ko alam kung ano ang sagot. Habang lumilipas ang araw, unti-unti ko pa siyang nakikilala at nakikita ko na siya bilang isang tao at hindi bilang isang perpektong nilalang. Ang tanong, handa ba akong tanggapin ang mga pagkukulang niya o masyado itong mahirap para sa akin…?

Abanagan..

Belated Happy Valentine’s sa lahat :)

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s