Coloring It Red

So kahapon nagjogging kami sa CCP. Ang dami ngang tao eh. Ngayon ko lang nadiskubre na ganun pala dun anytime of the week. Maraming aso at napagisip-isip ko na ring dalhin si Sachi dun next time :)
Saya naman ako. Nagkita kami ng mga 4:45 tapos naglakad patungong CCP. Sa saglit na oras na yun, grabe buong araw hanggang kinabukasan (ngayon) sumakit yung legs ko. Next week ulet. Haha :))

Pagtapos namin magjogging edi umuwi na kami. Sinama ko siya dito sa bahay dahil nagbihis pa ako, aalis kasi kami ulit. Paggising ni mama sabi niya “oh, aga ah” haha :) kinabahan tuloy siya :) pero okay naman wala lang naman yun. Di naman galit si mama. Tapos umalis na nga kami.

Bandang hapon, Nagsimula na kami magpintura. Ang kulit lang :) ang bilis namin eh!:) kaso bandang huli, siya nalang ang gumawa kasi mahirap yung lining-lining at nakakahiya naman kung masira ko diba :) tapos ayun, ang saya-saya lang. Bonding2 lang kami kahit sa simpleng bagay. Hindi na rin nahihiya sakin yung kapatid niya :) Pero infairness, nakakapagod din ng sobra magpintura. Pero okay lang, isang yakap lang solve na. Tapos 1week nanaman ang lilipas bago kami magkitang muli. So sad. Pero astig parin kasi nakakaya parin namin ang ganitong set-up kahit papano.

Tapos interview pa ni Angel Locsin sa The Buzz kanina tungkol sa unofficially yours. Nakaktawa lang yung mga sagot niya kasi nakakarelate ako. Tanong pa nga sakin ni mama kung ginaya raw ba namin sila. Sabi ko naman, “bagong labas lang kaya yan” haha :) hay nakow.

Sipon nanaman ang kaaway ko today, buti nalang at wala na siya dahil uninom ako ng gamot. Nakakatamad pumasok bukas. Bat kaya. Amf.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s