Fully Loaded

Sabi nila, less expectation, less pain. Diba?
Well, ngayong gusto ko siya iapply, napaisip ako.
Paano??
Kasi para sakin, ang hirap! Pag hindi ako nagexpect ng isang bagay, hindi ko na siya bibigyan ng atensyon. Hindi ko na siya bibigyang pansin para hindi ko na siya naiisip. At once na hindi ko na binigyang pansin ang isang bagay, unti-unti na siyang nawawala sakin..
At once nawala sa puso ko ang isang bagay, 9 out of 10 times, hindi na ito bumabalik..
Kasi gainto ako eh. Ganito ako magmahal. Once na binigay ko sayo atensyon ko, iyong iyo na yan. Once nakuha mo magsawa ka sa lambing ko. Magsawa ka sa kasweetan ko. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling sofa ano? Pero alam ko sa sarili ko na once na makuha mo ang puso ko, sweet talaga ako sayo at ibibigay ko sayo ang lahat ng suporta ang pangunawa sa mundo.
Pero.
Once na nawala na ito, wala na rin talaga. Ganun ako katindi mahulog, ganun lang din ako kabilis mag move on.
Kaya ayoko ng nagtatampo sa isang tao. Kasi once, twice, okay eh. Pero pag napundi ako sa paulit-ulit na rason, namamanhid ako. At hindi na maganda ang kasunod nun.

Ngayon, siguro masyadong tumaas ang expectation ko, at pagkatapos medyo nag lie low siya. So hindi kami nagkatugma. Naghanap ako ng lambing na pupuno sa araw ko at magtatanggal ng pagod ko, pero walang dumadating. Dun ako nawalan ng gana today.
Pero eto ako, pilit pinapaalala sa sarili kong wala siyang responsibilidad ibalik sa akin kung ano man ang binibigay ko sa kanya. Na binibigay ko ang mga bagay na ito kasi ito ang nagpapasaya sakin at hindi dahil naghihintay ako ng kapalit.
Siguro nasanay lang ako sa mga bagay-bagay kaya pag nagkakaron ng turbulence sa eroplano eh nababaliw ako kaagad. Nalilimutan ko na ang boundaries ko at nagiging lalo pang kumplikado ang isang bagay na kumplikado na.

Ang tanong, sino ba ang dapat magadjust?
Definitely, magaadjust ako. Siya, bahala na kung gusto niya ba o kailangan niya.
Iapply ko ba yung “less expectation, less pain”?
Natatakot ako diyan. Kasi pag nagtuloy-tuloy yun, manlalamig ako sa kanya. At ayoko ng ganun ako. Ayoko sa lahat yung nang dahil sa ibang tao, pati yung bigay ko nababawasan. Gusto ko kung ano ako, yun ako. Ayoko nang binabawasan yung kung ano ang kaya kong gawin at ibigay para lang pumantay sa iba.

Ano ba kasi ang nangyare?
Hmm, wala naman. Matampuhin lang ako and nagooverthink lagi kaya namamagnify ang isang maliit na bagay. Tulad ng isang bonggang-bonggang Goodmorning sa wall niya na ni-like lang niya samantalang minsan kahit waley naman ang post o comment sa wall niya kinocommentan niya pa. Yung mula umalis ako ng bahay tintxt ko siya at inuupdate at nilalambing. Pero nung nagising na siya, wala man lang ako nareceive na reply sa lahat ng sinabi ko o lambing na maliit maliban sa generic na text na magingat ka, iloveyou atchaka imissyou. Minsan din hindi ko madamang nagwoworry siya or curious siya kung nasaan na ako, o ano na kaya ang nangyayari sa akin. Sobrang OA ko ba? Alam ko oo. Kasi hindi nga dapat ako nagdedemand. Kasi nga diba:

Never expect, never assume, never ask and never demand. Just let it be. Because if it’s meant to be, it will be.

So ano ang conclusion?
Ewan ko.
Anak ng tokwa. Kakain nalang ako ng pizza.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s