Today’s Mantra

Actually, may pasok ako ngayon at kailangan ko nang maligo by 10am. Well, 49 minutes to go. Eto ako ngayon, nagsusunog ng oras at kakatapos lang kumain ng cake ni lola. Birthday niya kasi kahapon. Iniisip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kahapon ang first time ko humawak ng pasyente on my own. Walang CI na kasama sa mga ginagawa. Ayos lang naman, medyo magaan at kaunti pa yung patients na binigay sa amin kasi first week pa lang. Nexcite ba ako? Nung una, oo. Pero nung tumagal na, hindi na gaano. Hindi ko alam kung dahil ba sa external influences yun o dahil hindi lang talaga ako nadali ng nursing. Hmm.
Kainis. Gusto ko talaga maimprove pa yung interpersonal skills ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako matanong or makwento or maboka or ma-P.R.. Gusto ko talaga maging tulad ni Alfred pagdating dun, sana one day matutunan ko kung paano yun ano?
Well, today is another day. At pinromise ko sa sarili ko na I will do my best para mapractice ko ang sarili ko.
Eyes on the prize. Eyes on the prize.

Maliban sa aking nursing duties, madami pang ibang tumatakbo sa utak ko ngayon, at mukhang nawawalan na ako ng lugar para paglabasan nito. Di ko alam kung bakit naghehesitate na ako magsulat dito ngayon ng buong nilalaman ng utak ko.. Meh. The hell with it.
Ganito kasi yan. Nasa isang lugar si Alfred ngayon, kasama yung mga kaibigan niya. Overnight sila doon. Meron silang seminar at activities. Nung una, medyo nagdadalawang isip pa siya, pero siympre inencourage ko naman siya dahil new experience yun diba? At least may bago siyang magagawa, malalaman, matututunan at makikilala. Anyway. Nung nandoon na siya okay naman, naguusap kami maya’t maya, nagkukwento siya, ganun.. Tapos, bandang hapon, naging sour na yung mood ko. I don’t know. Masyado lang ba malikot yung imahinasyon ko kaya kung anu-ano na ang naiisip ko, o dahil sa ilang beses na rin ako naloko e natrauma na ako, o dahil mahina lang talaga ako sa mga ganung bagay kaya talagang nalulungkot ako kapag may ibang nakapaligid sa kaniya. Hindi ko naman siya binabakuran o pinagbabawalan, hinihayaan ko lang din naman siya kasi problema ko naman yun sa sarili ko eh diba? And di ko lang maintindihan eh kumbakit nga ganon.
Alam ko naman kung nasaan ang puso niya, pero siyempre natatakot parin ako na mawala siya sakin. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay dito sa mundo. Ngayon nandyan, bukas wala na. Sigurado yan. Hindi nga lang natin alam kung kailan, pero darating at darating yan.

Hmm. Okay na ako. Narealize ko, two minutes ago na wala naman akong dapat ikabahala. Lagi kong dinadasal kay Lord na kung siya na magtuloy-tuloy sana, at kung hindi, magiintervene siya. At kung magkaganon man, tatanggapin ko ng buong puso dahil alam ko, sa huli, makikita ko rin ang inilaan para sakin. Diba?

Okay, kailangan ko na kumilos.
FOCUS Che!
Eyes on the prize.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s