Fiesta sa Tondo

Kakauwi ko lang ngayon galing sa lakbayaw. Ngayon ko lang din narinig ang salitang lakbayaw. Ang ibig sabihin nito ay “Lakbay sayaw” hindi ko alam kung saan pa merong ganito pero dun ko unang naranasan yun, sa fiesta ng Tondo :)
First time ko kasi makifiesta. Kahit yung fiesta samin dito, keme lang. Di ko masyado ramdam. Anyway.
Nagsimula ang araw ko sa pagmamadaling umalis dahil madami pa akong gagawin talaga. Bibili ng Jacket, Trodat, Magpapaalter ng uniform.. Etc. Matapos libutin ang Robinsons, Quiapo hanggang Recto tapos ay Tutuban, natapos na namin ang mga kailangan naming gawin at bilihin. Success!
Edi deretcho na kami sa Wagas, lugar sa Tondo yun, iniwan ang aming mga gamit at pagkatapos ay kinuha na rin niya ang damit na susuotin nila sa kanilang sayaw na ilang araw na nilang pinapractice. Maya-maya pa, dumiretcho na kami dun sa lugar kung saan magsisimula yung parada. Nang biglang.. hala! Andun yung mga ka officemate ng tita ko. Mga close ko na rin naman kasi sila dahil nga kilala narin nila ako at nag GIP ako noon sa Manila City Hall. Hindi ko pa nga sila nakita nung una, nagulat nalang ako nung bigla nalang ako nilapitan nung isa sa kanila at sabay sinabing. “Ipakilala mo naman ako!” Nagulat pa ako dahil pagtingin ko ay full force sila at andun silang lahat, buti nalang wala si tita. Kaloka :D Edi ayun, pinakilala ko siya :)
Kinukulit pa nila ako, kasi pinipilit kong hindi pa naman kami talaga. Sabi naman niya, “Naku, hindi kayo, e magka-holding hands kayo kanina”. “Hindi po talga!” Kapipilit, ayun, nauwi sa “Wag ka magalala sikret lang sige” Nako, hindi ko na nga pinaglaban. Hayaan na. :) Matapos ang hi’s at hello’s inabutan ba naman ako ng t-shirt! Hala, anong gagawin ko sa t-shirt na uniform nila sa pagsayaw? “Sasayaw ka ha?” Ayun. Yari.
Napasama na ako sa sayaw nila. Take note, pinraktis na nila yung ng ilang beses! At ako walang kaalam-alam sa steps. Alangya. Pero ayos lang basic steps lang naman eh :) Masaya naman. Pumarada kami, non-stop yung music. Tatlong kantang paulit-ulit lang naman, pero ayos pa rin, minsan lang naman pawisan diba? Atsaka madali naman akong kausap eh, pag sinabing sayaw, sayaw! Ako pa? E frustrated dancer ako :D

Enjoy pala. Feeling District 1 ako :) Mga 2 na ata nagstart yun tapos natapos ng past 8. Di ko alam saan kami napadpad pero siyempre nilibot namin yung lugar nila kasama ang ilan pang iba’t-ibang grupo na kasama sa lakbayaw at pati na rin ang mga Sto. Niño siyempre. Habang tumugtog ang (walang kamatayang) Teach Me How to Dougie, Moves Like Jagger at yung isang kantang hindi ko alam ang title (at hindi ko matanda-tandaan ang steps) hala, sayaw lang, ngiti-ngiti. Ganun.Taas nga ng energy ko eh, napagod lang ako nung kumain kami. Baliktad eno :)

Si Alfred naman, dahil isa siya sa mga nagtuturo ng steps, andun siya sa harapan. Nasabi ko na bang magaling siya sumayaw? Whew! Ewan ko ba, nakakaloko e. Minsan tinanong ko nga siya, “Tao ka ba?”
Na didistract nanaman ako. Anyway!
Maliban dun, may mas maganda pang kwento. Dahil nasa harapan tong si mokong, aba maya’t maya may mga tumitili sa kanya. Walangayang malalanding babae tinitilian siya! May nagpapapicture pa! Anak nang..
Pero wala e, ganun talaga. Anong magagawa ko pumili ako ng habulin ng aso. Onting dougie nya lang, kala mo iniipitan ng tinggil yung mga babae. Jusmiyo.
Pero kahit gano ko itatak sa kokote ko na wala lang yun at hindi dapat bigyan ng pansin, di pa rin maiwasang sumakit ang ulo ko. Promise, selosa ako pero nasa lugar. Pero kahit ganon, maiinis ka nalang eh.

GRRRR.

Siyempre hindi naman niya pinapansin, ngiti-ngiti lang siya. Siyempre kelngan ng audience impact eh.

Hay.

Pero ayos lang, walang kaso yun. Alam ko naman kung sino ang nasa puso niya eh. Ayooo! Lumilipat din siya minsan dun sa tabi ko, sayaw-sayaw kami tapos minsan pag nakasteady lang at hindi umuusad nagkukulitan lang kami. Magkasama din kami kapag kumakain :)
Hindi naman niya ako tuluyang nine-neglect at wala din siyang habas sa paglalambing, kahit pa sino ang makarinig o makakita. Yun lang yun eh, kahit pa anong sakit ng ulo ko sa mga bagay-bagay e binabawi din naman niya.

Pero masaya talaga ang fiesta nila. Siguro ganun din naman yung fiesta samin. Ewan ko lang. Baka hindi lang ako lumalabas kaya di ko maexperience, o dahil kasama ko siya kaya ako masaya. Nacculture shock man ako minsan sa kanila, natutuwa pa rin talaga sa taglay nilang kasiyahan. Iba kasi diba pag taga-Tondo? Hindi naman kasi lahat ng nakatira dun uncivilized e. Hindi lahat warfreak at siga. Pero lahat, maligalig. Hence, Alfred. Bow.

Sa totoo lang, ansakit na ng paa ko. At ako’y pagod na.
Goodnight po. Ligo-ligo din.

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s