Tired

4th day ko na sa aking training, actually. Di ko pa naikukwento sa inyo, dahil busy ako the whole week. Pag-uwi ko, gusto ko nalang talagang matulog. Ayos naman siya, actually. Parang estudyante ulit. Nakaupo, nakikinig, nagrerecite, quiz, exam, etc. etc. Yun lang nakakainis dun e. Pero ayos lang din naman, kasi narerefresh ako sa mga bagay-bagay, before kami ipadala sa mga pasyente pare maghands-on. Hmm.

Sa ngayon, masama ang pakiramdam ko at actually dapat 10 palang tulog na ako.
Pinakita sakin ni Alfred kanina ang mga binigay sa kanya nung ex nya dati. Actaully di naman ako affected, pero nung nakita ko lang yung mga onting sulat nung babae sa kanya, yung scrapbook-scrapbook nila, nagselos ako. May kirot factor. Nagselos ako dun sa fact na may nagmamahal sa kanya dati na mahal niya rin nung mga oras na yun. Muntik nakong maluha promise. Buti napigil ko :D Mukang tanga lang eno :P
Pero ayun. Past is past naman talaga. Pero nung nakita ko yung mga yun, parang naisip ko, di na ba ako ganun ka mushy? Nawala na ba sa sistema ko ang magbigay ng sulat, magtago ng kung anu-anong resibo, gumawa ng scrapbook? Kulang ba ang ginagawa ko? Hmmm. Noon, kung makapag-ipon ako ng mga ganun, kahit pa balat ng lollipop tinatago ko. Kung makagawa ako ng sulat, at makapageffort sa scrapbook namin, wagas.
Ewan ko ba.
It’s either:
a. Hindi naman kasi kami.
b. Hindi ko pa siya ganun kamahal.
c. Sadyang pang highschool lang yun?
d. Nawala na talaga sa akin.

Anlungkot ng choices.

Diko alam, itanong ko kaya sa kanya?
Anyway,
Siguro bukas na lang ako magiisip pag okay na ako :)

Pahinga mode.

Reese’s and Kisses,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s