Uy Kilig!

Alam mo kung ano ang nakakatuwa sa isang lalaki? Yung hindi siya laging pa-cool. Hindi yung tingin niya eh kailangang laging alagaan niya ang kaniyang macho effect. Mas kakatuwa sa aming mga babae yung minsan, pinapakita niyo yung vulnerable side niyo. Na inaamin niyong may mga bagay kayong di kaya o hindi alam. Yung hindi kayo takot mag mukang tanga o kakatawa sa harap ng babaeng gusto niyo. Dun kasi namin nakikita ang tunay na tapang. Yung kaya niyong ipakita sa kanila na meron kayong kahinaan at hindi kayo natatakot magmukang mahina. Mas gusto namin yun. Maniwala kayo.

Yun din ang isang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya nahihiyang ipakita sa aking kung sino siya. Pag nanghihina siya, umiiyak siya at hindi niya tinatago yun. Masarap sa pakiramdam yung kailangan ka niya sa mga panahong ganun, para magbigay sa kanya ng lakas o simpleng dahil ikaw yung nagpapagaan ng loob niya. Kapag mayroon siyang hindi alam o maintindihan na bagay o salita, tinatanong niya. Meron pa noon, nung ilang beses palang kami nagkikita, naglalakad kami nun, sinabi niya sakin na bumibilis daw takbo ng puso niya pag kasama ako :) At wala nang mas ku-cute pa kapag nakikita ko o sinasabi niya sa akin na kinikilig siya :)

May oras din kasi na ipakita niyo yung feminine side niyo, hindi siya turn off. Promise. :)

Advertisements

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s