P.S.

Nawili naman kami sa pagtatawagan, naexpire na pala ang unli ko. Nalungkot ako sa mga usapan namin kanina, di naman malungkot pinaguusapan namin. Nagtatanungan lang kme tungkol sa mga bagay-bagay. Tapos tanong niya, Ano daw yung kinatatakutan ko tungkol samin. Edi sinabi ko sa kanya na madami. Minsan pumapasok talaga sa utak ko ang mga bagay-bagay na yun e. Sabi ko sa kanya, natatakot ako na baka isang araw magbago nalang yung nararamdaman niya sakin sa isang iglap. Na baka isang araw biglang magbago ang lahat sa amin. Sabi niya, yun din daw ang kinatatakutan niya. Na baka biglang magbrownout samin – mawalan ng kuryente. Anong kirot sa puso ko. Iniimagine ko palang na one day sasabihin niyang “khulet, wala ng spark satin. Di na kita mahal”, naiiyak na ako, pano pa kaya pag dumating yung araw na yun talaga.
Sabi ko sa kanya, pano pag naging kami tapos dun pa pala kami masisira. Magaaway. Magkakalabuan.
Sabi niya, yung mga ganyang bagay, hindi maiiwasan yan.
“Diba sabi mo, at sabi ko, pag may dumating sating dalawa lalaban tayo? Sino pa bang magaayos niyan kundi si Cherry at si Alfred din?”
Tanginang sagot yan, san ba gawa yan? Nakakatuwa lang eh.
Nakakakilig, nakakabaliw at nakakataba ng puso. Tipong nakakapuno ng pag-asa. Ang sarap chong.

Kanina iniisip ko kung bakit ko kaya siya mahal. Di naman sa nagtataka ako o nagsisisi ah. Nagiisip lang ako ng posibleng dahilan. Wala akong maisip. Kasi bakit hindi? Nasa kanya na ata ang lahat ng hinahanap ko. Tapos naisip ko, makakaya ko kaya kung mawala siya? Oo naman. Pero hindi ko gusto. At hindi na masaya. At masakit. Hindi ko kayang isipin yung araw na wala na yung sobrang pagmamahal niya sa akin. Unti-unti na siyang nagiging parte ng buhay ko. At kahit pa nagmahal na ako dati at nagkagusto sa ilang mga tao, ngayon ko lang napagisip-isip na ngayon lang ulit talaga ako nagpapasok ng husto. Yung tipong naka tirintas na siya sa buhay ko; may parte na sa mundo ko na hawak niya. Isa na siya sa apat na poste ng bahay ko. Yung tipong pag nawala siya, may guguho at guguho sa akin. Ganun. Ganun ko katindi binukas yung puso ko sa kanya. Mahal na mahal ko na talaga siya, kahit pirma ko nalang ang kulang. Mahal ko na talaga siya. Ang buong siya mula ulo hanggang paa, kaliwa, kanan, loob, labas,likod, harap. Lahat ng siya.
Pero nakakatakot parin.
Pero bahala na.
Pero sana..

Reese’s and Kisses,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s