Ang Waiting Area

Habang sinusulat ko ito ay nandito ako ngayon sa isang Clinic sa makati para magpagawa ng medical certificate. At sa mga oras na ito ay napapalibutan ako ng mga bata. Mga batang may sakit syempre, pero may mangilan na masisigla pa rin, tipong 3-5 years old at naglalaro laro ng mga laruan dito.
Titignan ko ang mga bata sabay huhulaan ko kung sinong may ari sa kanila. At napansin ko, sa ichura, pananamit at pagsasalita pa lang ng bata makikita mo na agad kung sosyalin ito. May kakatuwang mga bata pa ngang nag eenglish pa at madadaldal. Meron ding isa na mukang bata pa ang nanay. Muka pa ngang gangster eh. Tapos naisip ko bigla na kahit gusto kong magka-baby bago mag 29, e parang di pa rin sapat. Naiisip ko gusto ko ang anak ko magiging ganito, magiging ganyan.
Tuturuan ko mag english para kunwari mayaman, haha!:) tuturuan ko wag maging mahiyain, maging bibo at bibilhan ko ng lahat ng kailangan niya para madevelop yung skills niya. Chusera! Lahat naman ata ng nanay ganun e! Pero naisip ko lang, sapat na kaya ang salapi ko pag nangyari yun? Kung bigla kaya akong hulugan ng Diyos ng sanggol dito ngayon? Ano kayang mangyayari sa akin? Ni hindi ko pa nga maalagaan ang sarili ko e. Ni hindi ko nga matutukan yung aso ko, sanggol pa kaya? Hindi ko alam panong nagagawa ng mga kakilala kong kaedad ko lang din at minsan mas bata pa, ang pagiging batang ina. Saludo talaga ako sa kanila. At kung paano nila hinarap ang pag amin sa pamilya nila, ibang klase.

Tagal ng number ko. Pang 21 pa ako. Number 10 palang..Hayy.. Kung anu-ano na pumapasok sa utak ko.

Reese’s and Kisses,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s