Let’s Do The Recap

Eto nanaman ang katapusan ng taon. Parang kelan ko lang sinulat yung ganito ko para sa taong ng 2010.
Ano nga bang naganap sa buong taon ko? Sa totoo lang e wala akong matandaan :)

Maghahalukay sana ako sa aking tumblr archives pero wala na akong oras. Gusto ko na kasi talagang bumaba at maglutong muli :) Ano bang masasabi ko sa 2011. Okay naman siya may mga disappointments pero bawi din sa dami ng blessings. Nilalaman ng taong ito ang mga pangarap ko, ang mga pangarap kong hindi natupad, at mga bagong pangarap para sa susunod na taon. Dito ko nakamit yung mga materyal kong bagay na gusto. Nakabonding ng matindi ang mga subok ko ng kaibigan. Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan at mga ka-ibigan. Napagalitan ako ng sobra sa bahay! Umuwi si mama ng dalawang beses, at yung isa eh baka for good na. Dito sa taong ito dumagdag sa pamilya namin si Sachi at Hermes. At sa taon ding ito, iniwan kami ni Hermes. Ang dami kong bagong natutunan dito, nainspire at naka-inspire ng iba. Unlike 2010 na tungkol sa sarili ko ang mga nakuha ko, this time, nag gain ako socially. I am really thankful for this year dahil kahit anong mangyari ang dami ko parin talagang blessings. At hindi sa pagiging narrow, nung nakilala ko siya, yun talaga ang cherry on top of my 2011. Kumbaga, siya talaga ang amplifier sa buhay kong dati naman nang masaya.

All in all, friendly din ang 2011 sa akin. Ewan ko lang sa 2012, tingin ko lang sa taong ito eh ang daming kong susuungin na challenges. Sana, magkaganon man, malagpasan ko ito.

So pano na, ito na ang huli kong blog post sa taong 2011.
Thanks God sa lahat ng blessings ko especially sa friends and family. Tunay namang wala na akong mahihiling pa.

Good vibes and good health all year long!

Cherry, 2012 Edition

Cherry, 2012 Edition

 

Safe New Year to all!
Love,

I love reading your comments!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s